Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-35 labas

-

SA palagay ni Pedring, napakalaki ng kasalanan na kanyang ginawa. Dapat lang, parusahan siya ng kanyang tiyang Onor. ‘Yong napakasaki­t at napakbigat na parusa! Puwede nga siyang patayin sa sakal!

Bumangon ang kanyang tiyang. Umibis sa kama. Pupwesto siguro para pag sinakal siya, papatayin na talaga siya! Aaa, sukdulan na ang kanyang takot!

Pero hindi siya inano ng kanyang tiya. Sa halip, naaninag niya ito na nagtungo sa CR. Lalo pang tumindi ang kanyang takot. Pagbalik ni Onor, saka siya lalagutinn­nn!

Medyo mahina na ang hangin sa labas. At klik! Tapos na ang brown out. bigla, nagkulumbo­ng siya ng kumot. Kunwari, tulog siya. Naghilikhi­likan siya. Mamatay na siyang natutulog!

Pero naramdaman niya, nahihiga na si Onor. Bakit hindi siya sinaktan o minura man lamang? Hindi kaya alam ang ginawa niya? Imposible. Imposiblen­g hindi alam.

Napakabait ni Onor. Hindi siya sinaktan o minura dahil tulog siya. Pero paano bukas?

Alam ni Pedring umaga na. Gising na siya pero hindi siya dumilat. Katabi pa kaya niya ang kanyang tiyahin?

Wala na ang sama ng panahon. Wala nang hangin. Wala nang ulan. Binibigyan­g kunswelo ni Pedring ang kanyang sarili. Hindi naman siguro masyado siyang kakagalita­n. Di ba kung tutuusin, may kasalanan din ito. Di ba ito pa ang unang nangaha?

Walang kasalanan ang tiyang mo. Tulog siya. Nananagini­p lang. Ikaw, gising na gising!

“Pedring…” boses ni Edith. “Kakain na raw.”

Nagawa na niyang dumilat. Alam na niyang wala na sa kuwarto ang tiyahin niya pero parang takot pa rin siyang tingnan ang lugar na hinihigaan ng tiya niya na ngayon ay bakante na.

Ang tagal na niyang hawaka ng doorknob, hindi pa rin niya tuluyang mabuksan ang pinto. Kaya ba niyang harapin si Onor ng almusal?

Lumabas din siya kalaunan. Maaari bang hindi na siya lumabas ng tulugang iyon habambuhay?

Naratna niya sa komedor, naghihinta­y na sina Onor at Edith sa harap ng pagkain pero hindi kumakain. Siya nalang ang hinihintay.

“Nakatulog ka ban g mahimbing, Pedring?” si Onor.

“O-opo.” Nginig hindi lang yata ang kanyang boses kundi pati ang kanyang buong katawan.

Iyon lang ang sinabi ni Onor at nagsimula na itong kumain. Kumain na rin si Edith. At siya man. Pero kahit gusto niya ang lahat ng pagkaing nasa harap, hindi talaga siya makakain.

“Ano, Pedring… gusto mo uling mamasyalma­syal sa subdibisyo­n?” sabi ni Onor.

Isang maikling ayoko po ang sagot niya. Ano ang malay mo kung ibig mo lang akong masolo at saka mo ako paparusaha­n? “O, magko-computer ka nalang?” “Sige po.” Mapag-iisa siya sa bedroom. Maiiwasan pa niya si tiyang niya. Tutal, kaya na niyang maglarong mag-isa.

Noong maghapon iyon, panay ang pag-iwas niya kay Onor. Taka siya’t hindi naman siya pinipilit ni Onor na lapitan. May kinalaman kaya iyon sa mga naganap?

Gabi na naman. Nakahapuna­n na sila. Nakapaligo na rin sila. Hinayaan na siyang maligong mag-isa ni Onor. Nagkakaila­ngan ba sila?

Nakahiga na sila. Malayo siya kay Onor.

“Lumapit-lapit ka nga rine, Pedring.” “B-bakit po?” “Ang layo mo. May gusto akong sabihin sayo…”

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines