Balita

Dangal ng bayan, ilalaban ni Mike

- Ni ERNEST HERNANDEZ

ISA pang Pinoy boxer ang nangagarap na marating arating ang pedestal at pursigido si Michael “Hot & Spicy” Dasmarinas marinas na maisuot ang IBO (Internatio­nal Boxing Organizati­on) ation) world championsh­ip belt sa pagsabak sa Ringstar star Boxing: Roar of Singapore IV – The Night of Champions ons sa Abril 20 sa Singapore Indoor Stadium

Tampok na laban sa inihandang fight card, d, haharapin ng No. 12 sa WBC na si Dasmarinas si Frenchman Karim Guerfi.

Nakamit ng pambato ng Camarines Sur ang karapatan na sumabak sa championsh­ip match nang magwagi via knockout kay Phupha Por Nobhom ng Thailand nitong October 20, 2017 sa Ringstar’s Roar of Singapore III – The Chosen Wan’ sa Suntec Convention Center.

“Nakakagala­k po at nabigyan tayo ng Ringstar ng ganitong pagkakatao­ng mapakita ang ating galing bilang Pilipino,” pahayag ni Dasmarinas.

“Ngayon po ay puspusan ang aking paghahanda. da. Tuloytuloy po ang ating ensayo dahil nais ko po makamit it ang IBO world title na ito. Samahan niyo po ako magdasal na a makuha natin ang panalong ito. Ang panalo ko po ay pagkapanal­o panalo rin ng Pilipinas.”

Ayon kay Ringstar’s Boxing Founder at CEO Scott Farrelis, inaasahang magiging eksplosibo ang laban sa pagitan gitan ng Dasmarinas at Guerfi

“This is potentiall­y one of the fight of the year nominees i for 2018,” aniya.

“Michael Dasmarinas WBC ranked 12th vs. Karim-Guerif WBC ranked 4th, will be a real war that both Philippine and French boxing fans will love to see. Ringstar is all about a neutral fight platform, giving a genuine unbiased opportunit­y for both these great fighters to lift the IBO world title.”

 ??  ?? Dasmarinas
Dasmarinas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines