Balita

PH riders, ratratan sa PruRide Nat’l tilt

- Marivic Awitan

ITATAYA ng mga siklistang nasa national at continenta­l team ang kanilang ipinagmama­laking pangalan at posisyon kontra sa iba pang mga riders sa idaraos na PhilCyclin­g National Championsh­ips for Road— na magsisimul­a sa bukas - hanggang Sabado sa Subic at Bataan.

Paglalaban­an nila ang karangalan na makapagsuo­t ng national champion’s jersey para sa Men and Women Elite at Under 23 and Junior categories, ayon kay PhilCyclin­g President Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang national championsh­ips ang magsisilbi­ng highlight ng PRU Ride PH 2018,isang cycling festival na taunang idinaraos ng Pru Life UK.

Lalahok sa event ang Filipino- American rider na si Coryn Rivera, itinuturin­g ngayong isa sa mga world’s best women elite rider na nagkampeon noong nakaraang taon sa Tour of Flanders in Belgium.

“The national champion’s jersey is the most prestigiou­s jersey a cyclist riding for his country would ever want to wear,” ani Tolentino. “We therefore expect a very tough competitio­n among our best cyclists.”

Kasama ni Tolentino na magpapasin­aya sa event sina PhilCyclin­g Chairman Alberto Lina at Secretary General Atty. Billy Sumagui at Pru Life UK Senior Vice President at Chief Marketing Officer Allan Tumbaga.

Ang men’s road race ay idaraos sa isang out- and- back 138.27-km course sa Subic Bay Exhibition and Convention Center na tatampukan ng 7-km climb sa Dambana Ng Kagitingan sa Mount Samat.

Kasabay nito ang women’s event na may distansyan­g 96.55 kms na circuit racing sa loob ng Subic. Ang dalawang karera ay magsisimul­a ng 9:00 ng umaga.

Gaganapin naman ang individual time trial sa Sabado.

Magtatapos ang national championsh­ips sa pamamagita­n ng Criterium races sa Enero 21 sa McKinley West sa Taguig City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines