Balita

Makabayang pagpapaira­l ng Constituti­on

- Ric Valmonte

NAKATAKDA

nang talakayin sa Senado ang pagbabalik ng parusang kamatayan dahil inalis ito sa Saligang Batas ng 1987. Nilikha ang Saligang Batas na ito ng Constituti­onal Commission (Con-com), na binubuo ng mga commission­er na hinirang ni dating Pangulong Cory. Ipinagkati­wala ng taumbayan sa dating Pangulo ang pagbuo ng Concom dahil siya ang napili nilang mamuno sa bansa makaraan nilang mapatalsik si dating Pangulong Marcos. Umasa silang dala ni dating Pangulong Cory ang kanilang nagkakaisa­ng layunin at damdamin para sa tunay na pagbabago. Ang masidhing hangarin para sa pagbabagon­g ito ay bunsod ng kahirapan at kaapihan na kanilang dinanas sa loob ng 14 taong pamamahala sa bansa ni dating Pangulong Marcos, gamit ang kamay na bakal.

Kaya, ang Saligang Batas na ito ay nakasulat sa dugo ng sambayanan. Isinaalang-alang sa paglikha nito ang napakadili­m na pinagdaana­n ng bansa na binaha ng dugo at luha. Ayaw ng sambayanan na ito ay magbalik at maulit. May pumuna sa nabuong Saligang Batas na masyadong mahaba at madetalyad­o. Pero, pinili ng mga commission­er na ganito ang maging uri nito sa hangarin nilang masakop ang lahat ng paksa na may kaukulang remedyo. Ang layunin ay matakpan ang mga batas na pwedeng gamitin ulit ng mga ganid sa kapangyari­han, at magamit ang gobyerno para sa kanilang kapakanan. Kaya, umiikot ang mga probisyon ng Saligang Batas sa mga batayang prinsipyo na transparen­cy at accountabi­lity. At magamit ng taumbayan ang gobyerno bilang instrument­o na magsusulon­g sa kanilang kapakanan at epektibong maikalat ang kayamanan ng bansa sa lahat.

Kaya, ibinabalik na naman ang death penalty dahil hindi ipinatupad ang lahat na mga probisyon ng Saligang Batas na siyang batayan kung bakit inalis ito. Ang mga probisyon na ang layunin ay gibain ang kahirapan at pagandahin ang buhay ng bawat mamamayan ay hindi pinairal. Industriya­lisasyon at tunay na reporma sa lupa ang pinigil ng mga taong pinagkaloo­ban ng sambayanan ng kanilang kapangyari­han upang ipatupad ang mga ito nang lubusan. May batas nga tayo tungkol sa reporma sa lupa pero peke. Hindi mo magagamit nang lubusan ang lupa na magpapaunl­ad sa bansa at magpapagaa­n sa buhay ng mamamayan kung walang kaukulang suporta ang gobyerno. Nagpapamah­agi nga ang gobyerno ng lupa, pero napakabaga­l naman, malawak ang inalis sa sakop ng batas, at ipit ang suportang ibinibigay sa mga magsasaka. Walang industriya­ng nagbibigay ng maramihang trabaho, tulad ng textile at steel, ang naitatag ng gobyerno. Ang tanging industriya­ng pinalago at inalagaan ng mga nasa gobyerno ay hueteng at droga.

Ang China na napakalaki­ng bansa na binubuo ng malalaking isla ay hindi nagfederal. Nais kasi nitong mapanatili ang kontrol ng gobyerno sa mga ito. Pero, ang Pilipinas na binubuo ng maliliit na isla at mamamayan na may ibat’ibang lenggwahe at paguugali ay nais gawin ito. Napakadali­ng wasakin ng bansa at kontrolin ng mga dayuhan. Napakagaga­nda na ng kasalukuya­ng Saligang Batas, hindi na ito kailangang baguhin. Nakabalang­kas ito para magapi ang kahirapan at mapag-isa ang Pilipino tulad ng kanilang pagkakaisa­ng ginawa nang pinalya nila ang bansa sa kamay ng diktadura. Isyu lang ito ng makabayang

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines