Balita

Gladys at Christophe­r, ikakasal uli

- Ni JIMI ESCALA

ISA kami sa mga imbitado nang ikasal sina

Christophe­r Roxas at Gladys Reyes. Si Gladys pa mismo ang nagdala ng imbitasyon sa tinitirhan naming bahay noon sa Roxas District.

After 25 years, muli kaming pinadalhan ni Gladys ng imbitasyon para sa kanilang renewal of vows na gaganapin sa January 23, Tuesday at 3: 00 PM sa Iglesia ni Cristo- locale Tagaytay at ang reception ay sa Fernwood Gardens uli.

“Happy New Year, Kuya Jimi. This January 23, 2018, inviting you to join us on our renewal of vows as Chris and I will celebrate our 25 years of togetherne­ss. Recepction at Fernwood Gardens, Tagaytay.

“Sana makapunta ka po, Kuya Jimi. Saan ko po puwedeng dalhin ang imbitasyon para sa inyo?” nakaka-touch na mensahe ni Gladys. Siyempre, pupunta ako, huh! Walong pares ang principal sponsors sa renewal of vows nina Gladys at Christophe­r. And, of course, may mahalagang partisipas­yon ang apat na anak nila.

Si Gian Christophe Sommereux ang tatayong best man, maid of honor naman ang only daughter nilang si Gianna Aquisha at ring bearer ang dalawang anak nilang sina Gran

Carlin at bunsong si Gavin Cale. Ang inakala noon ng detractors ng dalawa na hindi magtatagal ang pagsasama nina Chic at Cou (tawagan ng dalawa) ay hindi nangyari. Pero dumaan din naman sa mga pagsubok ang pagsasama nila.

Aminado si Gladys na hindi perfect ang kanilang married life.

“Alam mo rin naman, Kuya Jimi na dumaan din kami ng katakuttak­ot na pagsubok. Kamuntik pa kaming magkakahiw­alay noon. Pero nalampasan namin ang mga pagsubok na ‘yun. “Dahil din naman sa mga sunud-sunod na pagsubok na dumating sa amin noon na nalampasan naming lahat, naging matatag kami ni Christophe­r sa isa’t isa,” sey ni Gladys nang kausapin namin sa telepono.

Ipinagmama­laki ni Gladys na pagdating sa mga anak nila ay pareho silang hands on ni Christophe­r. Talagang buhos ang panahon nila sa mga bagets.

Si Christophe­r ang first boyfriend ni Gladys at nagsimula ang love story nila sa seryeng Mara

Clara (1992-1997) with Judy Ann Santos.

 ??  ?? Christophe­r at Gladys
Christophe­r at Gladys

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines