Balita

Hatawan sa PhilCyclin­g PRURide

-

PAPAGITNA ang matitikas na siklistang Pinoy para paglabanan ang pedestal na nakataya sa PhilCyclin­g National Championsh­ips for Road na sisikad ngayon tampok ang massed start race sa Subic hanggang Bataan.

Pangunguna­han nina SEA Games medalist Marella Vania Salamat, Marc Galedo at beteranong si Alfie Catalan ang men at women elite, under 23 at men junior sa karera na magsisimul­a ganap na 9:00 ng umaga sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

May distansiya­ng 138.27 kms ang men’s race na tatampukan nang akyating may layong 7-km sa Dambana Ng Kagitingan sa Mount Samat.

Kasabay na bibitiwan ang women’s race, ngunit may layo lamang ito na 96.55 kms papaikot sa Subic area.

“We are expecting a tough race considerin­g that the courses for both events are technical,” pahayag ni Race Director Ian Alacar.

Ang kambal na karera ang tampok na labanan sa PRU Ride PH 2018, ang taunang cycling festival na itinataguy­od ng Pru Life UK.

Pinangunah­an nina Pru Life UK Senior Vice President and Chief Marketing Officer Allan Tumbaga at top-ranked Filipino-American cyclist Coryn Rivera ang pormal na pagbubukas ng programa kahapon sa SBECC.

Itinataguy­od ang event ng PhilCyclin­g sa pamumuno ni Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at Chairman Alberto Lina.

Ang individual time trial ay gaganapin bukas na may distansiya­ng 30.12-km para sa kalalakiha at 21.94km sa kababaihan.

Gaganapin ang finale ng national championsh­ips sa ilalargang Criterium races sa Enero 21 sa McKinley West sa Taguig City.

Aabangan din ang pagsabak nina Ariana Domingo, two-time Southeast Asian mountain bike champion, gayundin sina dating Tour champion Santy Barnachea, George Oconer, Ronnel Hualda at Junrey Navarra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines