Balita

Sa gagawing pagbabago sa Saligang Batas

- Clemen Bautista

ILANGaraw makalipas ang Bagong Taon, pinalutang na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Charter Change (Cha-cha) o ang pagbabago ng ating Saligang Batas. Sa pagbabago ng 1987 Constituti­on, kasama sa babaguhin ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas. Magiging sistemang federal. Gagawin ang pagbabago sa pamamagita­n ng Constituen­t Assembly ( Con- Ass) o ng magkasaman­g pagpupulon­g ng mga sirkero at payaso sa Kongreso at Senado. At kung matatapos ang mga gagawing pagbabago, ang timetable ni Speaker Alvarez ay gawin ang plebesito o referendum ng binagong Konstitusy­on sa Mayo, kasabay ng Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections.

Sa panayam kay Speaker Alvarez sa telebisyon, sinabi niya na mas praktikal na hindi na kailangang maghalal ng mga bagong senador sa 2019 sapagkat ang paghahalal ay magiging sagabal pa sa iminumungk­ahing federal na sistema ng pamahalaan. Isang scenario na wala nang eleksiyon. Sabi pa ni Speaker Alvarez, ang 11 senador na inihalal noong 2011 ang mananatili na lamang sa posisyon hanggang sa matapos ang kanilang panunungku­lan sa 2022, kasabay ng pagtatapos ng termino ng mga senador na inihalal noong 2016.

Nasabi at naitanong tuloy ng marami natin kababayan, hindi puwede ang gusto ni Speaker Alvarez. Hilo ba siya? Napakarami nang dapat palitan sa panunungku­lan sa pamahalaan at halos isuko na ng mamamayan, balak pang hindi ituloy ang eleksiyon. Tiyak, aalma at kokontra rin ang mga senador at iba pang nais maging miyembro ng Senado. Sabi naman ng tambolero ng Malacañang, hindi na kailangan ang midterm election kapag pinagtibay na ng mamamayan ang bagong Konstitusy­on sa isang plebesito bago sumapit ang 2019. Gayunman, walang dahilan upang pigilin ang mga nakatakdan­g halalan. Babala naman ng mga Obispo ng Simbahan, magsisimul­a ang diktadurya kung walang eleksiyon.

Maging si Vice President Leni Robredo ay tutol din sa pinalutang ng mga lider sa Kongreso na “noelection” (no-el) scenario sa 2019 para bigyang-daan ang pagpapalit ng gobyerno sa sistemang federal na pamahalaan. Ayon kay Vice President Leni Robredo, ang scenario ng walang eleksiyon ay lumalabas na “self- serving” o paglilingk­od sa sarili sa panig ng mga mambabatas at labag sa karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang mga pinuno.

Sa Senado, ang nagsusulon­g naman ng cha- cha ay si Senate President Koko Pimentel. Ang mga lider sa Senado at sa Kongreso ay nagkasundo na magpulong ang dalawang kapulungan sa pamamagita­n ng constituen­t assembly ( Con- ass) at bigyang-daan ang pagbabago ng gobyerno sa federal na porma ng pamahalaan. Ngunit naiiba ang timetable ni Senate President Koko Pimentel sa timetable ni Spekaer Alvarez, na sa Mayo 2018 kasabay ng Barangay at SK election gawin ang plebesito. Nais naman ni Senate President Pimentel na ipakita sa mamamayan ang pagpapatib­ay ng balangkas ng Konstitusy­on sa pamamagita­n ng plebesito na gagawin kasabay ng eleksiyon sa Mayo 2019.

Bilang pangunahin­g tagapagsul­ong ng Cha- cha sa Senado, nagharap na ng resolution si Senate President Koko Pimentel, na hinihiling na ang Senado at ang Kamara ay magpulong sa Con-ass para sa layuning baguhin ang 1987 Constituti­on lalo na sa pagaaral ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan.

Gusto at ipinagtang­gol ni Senate President Pimentel ang Con- ass kaysa Constituti­onal Convention (Con-Con) sapagkat ang gobyerno ay gagastos ng P19 bilyon at dahil ang mga delegado ng Con-Con ay ihahalal ng mga mamamayan. Aabutin ng dalawa hanggang tatlong taon bago matapos ang mga panukala sa pagsususog sa Konstitusy­on. Paglulusta­y lamang ng salapi at pag-aaksaya ng panahon.

Sa panukalang takdang panahon ni Senate Prtesident Pimentel, sa Con-ass ay maaaring magawa ang mga susog sa Saligang Batas ngayong 2018. Handa at organisado na ang Kongreso. Alam na ang mga miyembro at kanilang komite. Itutulad ito sa mga komite ng Senado. Maaaring magawa ang mga panukalang susog sa Konstitusy­on ayon sa Pangulo ng Senado, matapos na bigkasin ni Presidente Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

May mga nagsasabi na sa kabila ng pagbabago ng Konstitusy­on, maaari umano itong gamitin sa pagpapalaw­ig sa tungkulin ni Pangulong Duterte, ng mga sirkero at payaso sa Kongreso, ng pagpapalak­as ng mga political warlord, isusuko ang bahagi ng ating national sovereignt­y sa mga negosyong dayuhan, maghihinta­y ang ating mga kababayan sa mga gagawing pagbabago. Makatutulo­ng na kaya ito sa pagbabago ng buhay ng ating mga kababayan, na ang nakararami’y patuloy pa rin sa pagiging mahirap, busabos at mga anak ng dalita?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines