Balita

‘Pinas ika-10 sa ‘cyber attacked’ countries

- Chito A. Chavez

Pilipinas ang pinakaapek­tadong bansa sa cyberspace sa Southeast Asia at iba pang nangunguna­ng bansa sa mundo, ayon sa world reknown internatio­nal digital technology expert.

Gayunman, hindi pa ganoon kahanda ang mga Pinoy sa cyber security threats gaya ng ibang bansa nang maging ika-37 mula sa 193 bansa sa global security index report sa cyber security preparedne­ss.

Ayon kay digital technology expert Reynaldo Lugtu, miyembro ng Advisory Board of Global Chamber Manila, ang Pilipinas ay ika-10 sa pinaka-“cyber attacked” countries sa at labis na inaatake sa mga bansa sa Southeast Asia.

Sa datos mula sa Federal Bureau of Investigat­ion, lumalabas na ang Pilipinas ay ika-10 sa pinaka-inaatakeng bansa sa buong mundo sa Internet.

Nangunguna sa listahan ang Canada, sinundan ng India, United Kingdom, Australia, Brazil, Mexico, China, Japan at ang Pilipinas.

Pasok din sa listahan, bilang ika11 hanggang ika-20, ang Germany, South Africa, Turkey, Spain, Hong Kong, United Arab Emirates, Malaysia, Singapore, Nigeria at New Zealand, ayon sa pagkakasun­od.

Ngunit ipinagdiin­an ni Lugtu na ang pag-uugali ng mga Pinoy ang na- giging sanhi ng online attacks dahil marami ang hindi nakakaalam ng banta sa cyberspace.

“In the legal aspect we are ahead of other countries because we have already passed the Data Privacy Act, the E-Commerce Law and the AntiWireta­pping Law.”

Gayunman, sinabi ni Lugtu na alam ng mga attacker na karamihan ng mga Pinoy ay hindi alerto at handa sa mga problemang ito, binanggit ang kakulangan ng impormasyo­n sa kapahamaka­n sa online sa emails at madaling buksan ang click links nang hindi nalalaman ang panganib.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines