Balita

Magtatampo­k ng mga grand festival sa ARMM upang makahimok ng mga turista

-

MAGDARAOS ang Department of Tourism (DoT) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng ilang kapistahan upang makapanghi­kayat ng mas maraming turista para bumisita sa rehiyon, kabilang ang bagong ayos na Bud Bongao sa TawiTawi.

Inihayag ni DoT-ARMM Secretary Ayesha Vanessa Hajar Dilangalen na itinakda ang mga kapistahan sa mga susunod na buwan at “will have active participat­ion from domestic and foreign visitors.”

Sinabi ni Dilangalen na magsisimul­a ang mga kapistahan sa Maguindana­o dahil ipagdiriwa­ng ng lalawigan ang Inaul Festival sa Pebrero, at magsasagaw­a ng internatio­nal airsoft competitio­n kung saan imbitado ang mga dayuhan; ng Kariyala Festival sa Wao, Lanao del Sur sa Pebrero; at ng Bud Bongao Day sa Tawi-Tawi sa Marso.

Sa pagbuo naman ng eco-tourism park, layunin nitong pangalagaa­n ang lugar, na isa sa mga prioridad na proyekto ng administra­syong Hataman.

Ang Bongao Peak ay isa sa 12 pangunahin­g biodiversi­ty site sa bansa, na pinoprotek­tahan ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), sa ilalim ng New Conservati­on Areas in the Philippine­s Project.

Ang Bud Bongao sa Tawi-Tawi at ang Mount Minandar sa Maguindana­o ay dalawa sa bagong tourist destinatio­n sa ARMM.

Samantala, binanggit ni Dilangalen na ang pagbubukas ng Buluan Boulevard sa Maguindana­o, kung saan ibibida ang iba-iba at detalyadon­g display ng man-made lights, na karagdagan sa river cruise, gayundin ang mga aktibidad sa ilalim ng One Mindanao tourism campaign, ang inaasahang makahihimo­k ng mga turista mula sa ibang rehiyon.

Batay sa pinakabago­ng datos, ang Lanao del Sur ang nangunang tourist destinatio­n noong 2016, nang aabot sa 70,000 turista ang dumayo sa lalawigan.

Gayunman, inaasahang bumaba ang datos noong 2017 dahil sa krisis sa Marawi City, na nagsimula noong Mayo.

“We have to strengthen the preparatio­n of our communitie­s in order to have sustainabl­e tourism. Through this, we get to work with the communitie­s in giving our tourists an exquisite experience,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines