Balita

Mga guro, itataas din ang sahod

- Bert de Guzman

NANG dahil sa TRAIN (Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion) law ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang economic- finance managers, inaasahang tataas ng walong sentimos ( P0.08) ang electricit­y bills ng libu-libong customer ng Meralco. Ngayong Enero, bababa ang singil sa kuryente, pero tataas sa Pebrero.

Tiyak daw na tataas ang electricit­y rates kapag ipinatupad ang coal excise tax at ang pagaalis sa value- added tax ( VAT) ng National Grid Corp. of the Philippine­s (NGCP) sa ilalim ng TRAIN law. Ayon kay Lawrence Fernandez, hepe ng Meralco Utility Economics, nakikipag- ugnayan sila sa mga generator upang masuri ang kanilang stock.

Badya ni Fernandez: “But for the NGCP, the TRAIN is in effect Jan. 1 so their January bill to us, we expect they will apply VAT in the transmissi­on wheeling charges.” Sa ilalim kasi ng RA 9511, ang NGCP ay exempted sa income tax at VAT. Pinawalang­saysay ito sa Section 85 ng TRAIN law, at isinailali­m ang NGCP sa VAT provision sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC).

Una rito, hiniling ng Meralco sa gobyerno na i- reconsider ang pagtaas sa coal excise tax sapagkat ang impact o epekto nito ay mararamdam­an ng mga consumer sa pagtaas na electricit­y rates o singil. Sinabi ng Dept. of Energy na inaasahang ang epekto ng coal excise tax sa electricit­y rates ay makikita sa electricit­y bills ng consumers sa darating na tagaraw. Naku po naman, kay-init na panahon, kelangan ang bentilador at aircon at madalas na paliligo.

Tinupad ni PRRD ang pangako na dodoblehin ang sahod ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippine­s. Pagkaupung­pagkaupo niya bilang presidente, laging inuulit niya ang pagtataas sa sahod ng mga kawal at pulis. Nang hindi ito maibigay agad, ikinatwira­ng ang namana niyang budget ay sa umalis na PNoy admin kaya hindi agad maipagkaka­loob ang “dobleng sahod.”

Nang aprubahan ng Kongreso ang P3.767 trilyong pambansang budget, kasama na rito ang ipinangako­ng pagtataas ng sahod. Palakpakan ang mga pulis at kawal. Ngayon, ang isinusulon­g ni Mano Digong ay ang pagtataas sa sahod ng mga guro, na tulad ng mga kawal, sundalo at OFWs, ay maituturin­g na “mga bayani” ng bansa bilang tagahubog sa kaisipan ng mga kabataan.

Kinalabit ako ng kaibigang journalist: “’Di mo ba napapansin, inuuto ng pangulo ang PNP at AFP sapagkat tanging ang mga ito ang may puwersa na siya ay ikudeta?” Marahil ay ganito rin ang iniisip ng taumbayan, subalit karapat-dapat ding bigyan ng salary increase ang mga guro na tahimik na nagtuturo sa mga kabataang mag-aaral at pumapapel bilang pangalawan­g magulang nila.

Ganito ang headline ng isang English broadsheet noong Miyerkules: “Palace” New Charter will lead to ‘ No- El’. “Sabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque, hindi na kelangan ang 2019 midterm elections kapag niratipika ng taumbayan ang bagong Konstitusy­on. Akala ko ba, gusto ni Pres. Rody na ituloy ang 2019 elections.

Kontra si Sen. Panfilo Lacson na susugan ang Constituti­on sa pamamagita­n ng constituen­t assembly o Con-Ass. Hindi raw susuportah­an ng mga senador si Senate Pres. Koko Pimentel, alyado ni PDU30 at pangulo ng PDP-Laban, kapag pumayag na amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagita­n ng Con- Ass. Dapat daw manindigan si Koko na maging hiwalay ang pagboto ng mga senador at kongresist­a sa pagbabago ng Konstitusy­on.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines