Balita

Tambiolo’ millionair­es, latest Cebu tourist spots sa ‘KMJS’

-

DALANGIN mo bang suwertihin ngayong 2018? Ang mag- asawang Tiozon, hindi naman nanalo sa kahit anong raffle pero utang sa tambiolo kung bakit sila naging milyonaryo. Paano? Ma-inspire sa kuwento ng kanilang tagumpay sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong gabi.

Sa mga may balak sulitin ang kanilang pagbisita sa Cebu sa susunod na linggo para sa Sinulog Festival, ililista ng KMJS ang mga pinakabago­ng tourist destinatio­ns sa Queen City of the South. Keri ba ninyong sumakay sa Infinity Swing na iduduyan kayo sa bangin? Sumama rin sa Bojo River Cruise kung saan makikita ang naggaganda­hang rock formations. At mag-adventure sa pasyalang ito na may hanging bridge at open cable car.

Ayon naman sa food websites at blogs, papatok daw ngayong 2018 ang mga binurong pagkain. Kaya dadayo ang KMJS sa Buro Capital sa Pampanga para tikman ang kanilang burong hipon, hito. at tilapia. Sa Ilocos Norte naman, mga prutas ang binuburo nila sa kanilang sukang Iloko.

Bagong Taon na, kaya pati raw faith healing, online na rin. Gaano ito katotoo? Aalamin ito ng KMJS.

Kung ang iba, target magkababy ngayong bagong taon, ang ilan, ipinagpapa­liban muna pero pinepreser­ba ang kanilang egg cells sa prosesong tinatawag na egg cell freezing. Pero sa ilang kababaihan, egg cell freezing ang naging sagot para magkaroon sila ng anak kahit pa mahirap na ito sa kanilang estado.

Abangan ang lahat ng ito at marami pang ibang kuwento ngayong gabi sa programang huling- huli ang kiliti ng masang Pilipino — Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines