Balita

Alden, ‘di na nakatanggi sa ‘Road Trip’

- --Nora Calderon

ILANG beses nang may offer kay Alden Richards na mag- guest sa Road Trip pero dahil sa busy schedule, hindi niya matanggap lalo na kung malayo ang pupuntahan­g lugar. Magaganda ang mga ipinalabas nang episodes ng Road Trip mula sa Luzon hanggang Visayas at Mindanao, na bukod sa magagandan­g lugar ng bansa, natitikman din ng featured stars ang mga pagkaing sikat sa lokalidad, pero ang hindi mawawala ay ang challenges sa celebritie­s na inimbitaha­n ng GMA News & Public Affairs. Unang episode nila, sa two Sundays na ipinalabas, ang Batanes na ang pamilya ni Zoren Legaspi, Carmina, at kambal na sina Mavvy at Cassy na hindi sila sumuko sa challenges na ipinagawa sa kanila. Ngayon, sa final episode ng

Trip, hindi na tumanggi si Alden sa offer at kasama niya ang mga kaibigan niyang sina DJ/host Sam YG, Bea Binene at

Divine Tetay. Tinanggap nila ang hamon na ginawa nila sa Sky Ranch theme park sa Tagaytay City.

“Napakagand­a po roon at talagang nag- enjoy kami,” sabi ni Alden. “Nagmistula kaming mga bata na sumakay sa mga rides doon. Inalis namin ang takot sa iba’t ibang rides na napakarami dahil five hectares pala ang laki noon. May buwisbuhay challenge din kaming ginawa ang wakeboardi­ng. At siyempre, hindi po mawawala ang food trip, lalo na at famous ang Tagaytay sa Bulalo.” Ang tema sa huling episode ng Road Trip ay tinawag nilang paghahanap ng “Happy Place To Heal Your Hugot”. Sa ginawa nilang challenges, nai-shout out nila ang mga hugot nila sa takot na naramdaman nila. Sino kaya sa kanilang apat ang naovercome ang takot pagkatapos gawin ang challenges? Ang Road Trip ay mapapanood ngayong 5: 00 PM sa GMA 7 pagkatapos ng GMA Blockbuste­r. Dito papalit ang fantasyadv­enture na Sirkus sa January 21.

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines