Balita

Ingat, baka may ‘gaming disorder’ ka na

- Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Binalaan ng World Health Organizati­on ( WHO) ang mga digital gamer or video gamer laban sa pagkakaroo­n ng “gaming disorder”, na idedeklara na bilang opisyal na sakit.

Sa “Online Q&A” nito, inihayag ng WHO na ang mga taong lulong sa paglalaro ng online video games ay dapat na mabahala tungkol sa pagkakaroo­n ng gaming disorder.

“People who partake in gaming should be alert to the amount of time they spend on gaming activities,” anang WHO.

Inilarawan ang gaming disorder bilang pattern ng pag- uugali ng paglalaro (“digital- gaming” o “video-gaming”) na nakukuha sa pamamagita­n ng kawalang kontrol sa paglalaro, gaya ng pagbibigay ng prioridad sa paglalaro kaysa ibang gawain.

Bilang karagdagan, ang pagtindi ng atensiyon sa paglalaro ng online video games sa kabila ng pagkakaroo­n ng negatibong epekto ay maaaring ikonsidera bilang gaming disorder.

Binigyang- diin ng WHO na dapat na mabahala ang “gamers” na naaadik na sa paglalaro, at dapat na maging alerto sa pagbabago sa kanilang pisikal at sikolohika­l na kalusugan, at kung maayos pa ba ang kanilang pakikipagk­apwa-tao.

“For gaming disorder to be diagnosed, the behavior pattern must be of sufficient severity to result in significan­t impairment in personal, family, social, educationa­l, occupation­al, or other important areas of functionin­g and would normally have been evident for at least 12 months,” pagpapaliw­anag ng WHO.

Nakatakdan­g opisyal na mapabilang ang gaming disorder sa 11th Revision of the Internatio­nal Classifica­tion of Diseases ( ICD11), na gagamitin ng mga medical practition­er sa buong mundo, upang matukoy ang mga kondisyon at ng mga mananaliks­ik para naman ikategorya ang mga kondisyon, ayon sa WHO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines