Balita

Ang gusto ng Palasyo: BBL muna bago federalism­o

- Genalyn D. Kabiling

Pinapriori­dad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago isulong ang paglilipat sa federal form of government.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na aminado ang Pangulo na magiging mahirap nang ipasa ang BBL kapag nauna ang pagbabago ng Charter para lumipat sa federalism­o.

“The President wants to enact BBL first,” ani Roque sa news conference sa Malacañang Palace.

Inendorso ng Pangulo ang dalawang hakbang – ang panukalang BBL at ang paglilipat sa federalism, sa Kongreso, nagbabala ng gulo sa Mindanao kapag hindi naisakatup­aran ang ang mga inisyatiba­ng ito. Iginiit niya na mahalaga ang mga hakbang na ito para maisulong ang kapayapaan at kaunlaran sa katimugan ng bansa.

Gayunman, kamakailan ay sinabi ng Pangulo na kailangang unahing ipasa ang batas sa Bangsamoro bago ang federalism­o.

“Pagka i-amend mo ang Constituti­on, wala na yan. Wala ka nang barahang ibigay for Mindanao. Mahirapan kang lumusot,” aniya sa panayam ng MindaNews nitong Biyernes.

Sa ilalim ng BBL, nilalayon ng gobyerno na lumikha ng Bangsamoro autonomous region na nagbibigay ng mas malawak na fiscal autonomy at teritoryo, na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagpahayag ng suporta ang Pangulo sa French-style federal government na mayroong president na kapantay ng kapangyari­han sa prime minister.

Samantala, dumistansi­ya ang Malacañang sa mga ulat na buburahin ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng panukalang federal government.

“There’s talk about abolition of the Vice President under Charter change. That’s beyond the control of the Palace. As you know, it is Congress sitting as Constituen­t assembly that will propose amendments,” ani Roque.

Nauna rito ay nagpahayag ng pagdududa ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa panukalang i-abolish ang vice presidency sa ilalim ng federalism­o.

“The question therefore is, how does abolishing the OVP relate to the establishm­ent of federalism? Or is the abolition already in service of some other, unstated, agenda?” ani Barry Gutierrez, legal adviser ni Robredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines