Balita

Joross, ‘di makatakas sa baklang roles

- Ni NORA CALDERON

MARAMING beses na ring gumanap bilang beki si Joross Gamboa at ang huli ay nitong nakaraang 2017 MMFF lang, ang Deadma Walking na nang magkaroon ng presccon ay nasabi niya na hindi na muna siya gaganap ng gay roles.

Pero nabanggit niya na may isa pa siyang pelikula na gay uli ang role niya pero hindi pa niya alam kung kailan ang showing.

Hindi pa natatapos ang showing ng Deadma Walking nang malaman ni Joross na ipalalabas na rin ang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Gaganap siya bilang gay husband ni Judy Ann Santos.

So, tuloy pa rin siya sa pagganap ng gay roles?

“Mahirap pong tanggihan ang offer na makatambal mo ang isang Judy Ann Santos,” sabi ni Joross. “Matagal ko na pong pangarap iyon na makasama siya, sabi ko nga noon pa, kahit masampal lang niya ako sa eksena, okey na sa akin. Pero salamat naman na hindi niya ako nasampal, kahit nalaman niya na gay pala ako. Saka kapareha ko rin dito si JC de

Vera, na karelasyon ko rin.” Sa pelikulang idinirihe ni Jun Lana, nagpunta pa silang apat sa Taiwan para sumali sa gay parade. Doon nalaman nina Judy Ann at Angelica Panganiban na parehong gay ang kani-kaniyang husband at may gay- to- gay relationsh­ip ang mga ito. “Nag-enjoy kami sa shooting doon, dressed in drag, si JC as a constructi­on worker ala Village People. Kaya promise, magugustuh­an ninyo ito, showing na po kami simula sa Wednesday, January 17 in cinemas nationwide.”

Ang Ang Dalawang Mrs. Reyes ay produced ng Star Cinema.

 ??  ??
 ??  ?? Joross
Joross

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines