Balita

Sabwatan sa pandarambo­ng

- Celo Lagmay

NANG ibunyag ang tinatawag na “DoH mafia”, gusto kong maniwala na talagang halos imposiblen­g malipol ang mga katiwalian sa gobyerno. Maaaring ang naturang sindikato ang kinakasang­kapan sa pandarambo­ng ng pondo ng bayan at sa pagsusulon­g ng iba pang uri ng mga alingasnga­s.

Ang salitang mafia, sa aking payak na pagkaunawa, ay isang uri ng sindikato na determinad­ong gawin ang lahat ng naisin para sa kanilang sariling kapakinaba­ngan. Sa mga sports competitio­n, halimbawa, may mga pagkakatao­n na naipananal­o nila ang mga talunang manlalaro sa paraang tila sila lamang ang nakakaalam. Hindi lamang sa larangang ito lumulutang, wika nga, ang kamandag ng mafia.

Sa pagbusisi sa gayong operasyon ng mafia, nais kong itanong: Ang pamunuan ng nakaraan at kasalukuya­ng pamunuan ng Department of Health (DoH) ay nagsabwata­n kaya sa nakalulula­ng P3.5 billion Dengvaxia vaccinatio­n program? Natitiyak ko na rito sesentro ang inaasahan nating imbestigas­yon hinggil sa pagkamatay ng sinasabing naturukan ng naturang bakuna.

Dahil sa nabunyag na DoH mafia, may mga sapantaha na ang halos lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay pinamumuga­ran ng nabanggit na sindikato. Ang kontrobers­iyal na P6.5 billion shabu shipment mula sa China ay hindi kaya kagagawan ng tinatawag na mafia sa Bureau of Customs? Ito kaya ay may kumpas ng nakatataas sa administra­syon?

May mga haka- haka rin na maging sa subasta o bidding ng bilyun-bilyong pisong kontrata sa mga kagawaran ng pamahalaan, kumikilos din ang mafia; sinasabing may pagkakatao­n na kahit na ang talunang bidders ay nananalo sa pakikipagk­utsabahan sa mismong matataas na opisyal.

Totoo kaya ang mga sapantaha na namamayagp­ag din ang mafia maging sa Commission on Elections (Comelec), mga sangay ng hudikatura, lehislatur­a, mga korporasyo­n ng gobyerno, hanay ng mga pulis at sundalo at maging sa grupo ng ating mga kapatid sa propesyon. Tila hindi rin ligtas ang pribadong sektor sa naturang sindikato.

Sa anu’t anuman, nasa kamay ng kinauukula­ng mga responsabl­eng ahensiya ang pagtutok sa ibinunyag na DoH mafia – at sa iba pang sindikato – upang malantad ang katotohana­n; upang mapawi ang mga haka-haka na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay pinamumuga­ran ng mga mafia na balakid sa paglikha ng isang malinis na gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines