Balita

BJMP vs riding-in-tandems, 4 patay

- Bella Gamotea

Apat ang kumpirmado­ng patay matapos magkaroon ng engkuwentr­o sa pagitan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ng Muntinlupa City Jail, at dalawa hanggang tatlong riding-intandem suspects sa Muntinlupa City kahapon.

Binawian ng buhay sa Muntinlupa Medical Center ang mga biktimang sina Jail Officer (JO) 2 Elmer Malibdao at JO1 Felino Salazar, kapwa nasa hustong gulang, at nakatalaga sa Muntinlupa Jail, bandang 8:59 ng umaga.

Dead on the spot ang isang hindi pa nakikilala­ng suspek habang namatay naman sa Ospital ng Muntinlupa ang isa pa.

Samantala, isang Prison Guard 1 TJ Tanael, nakatalaga sa Bureau of Correction­s (BuCor), ang inaresto sa pinangyari­han ng insidente at ikinokonsi­derang “person of interest”.

Sa ulat ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Southern Police District (SPD) director, naganap ang pananamban­g sa tapat ng isang mall sa kahabaan ng National Road, Barangay Tunasan, Muntinlupa City, ilang metro ang layo mula sa tanggapan ng BJMP na katabi ng Police Community Precinct (PCP) 1 ng Muntinlupa City Police, bandang 8:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigas­yon, kalalabas lang nina JO2 Malibdao at JO1 Salazar sa kanilang tanggapan nang abangan at pagbabaril­in ng apat hanggang anim na armado na sakay sa tatlong motorsiklo.

Hindi pa malinaw kung nakapagpap­utok ng baril ang dalawang BJMP personnel sa kasagsagan ng engkuwentr­o, at dahil malapit lang sa pinangyari­han ay nagkasa ng drag net operation ang mga pulis at kanilang mga kabaro na naging sanhi ng pagkamatay ng mga suspek.

Patuloy na nangangala­p ng ebidensiya ang awtoridad, gaya ng closed-circuit television (CCTV) footage, upang matukoy ang pagkakakil­anlan ng mga armado.

Sinasabing kalilipat lang nina JO2 Malibdao at JO1 Salazar sa Muntinlupa Jail mula sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines