Balita

Taxi driver inatado, hinoldap

- Orly L. Barcala

Nasa malubhang kalagayan ang isang taxi driver nang pagsasaksa­kin at holdapin ng dalawang hindi pa nakikilala­ng suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Nelson Bernardino, 56, residente ng No. 720 Jereimas Street, Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Siya ay nagtamo ng mga saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan at kasalukuya­ng ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Base sa report, isang saksi ang nagsabing naka-hazard ang ilaw ng taxi (WYI-541) na minamaneho ng biktima at nakahinto sa 5th Avenue, South Bound sa harap ng isang funeral homes, dakong 2:45 ng madaling araw.

Sumilip sa salamin ang saksi nakitang sinasaksak ng mga suspek si Bernardino.

Bumaba mula sa taxi ang mga suspek at tangay ang isang bag na pinaniniwa­laang pagmamay-ari ng biktima na naglalaman ng hindi pa batid na halaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines