Balita

19-anyos kinatay si tatay

- JUAN CARLO DE VELA Liezle Basa Iñigo

Pinaniniwa­laan ng pulisya na posibleng inatake ng sakit sa pagiisip ang isang 19-anyos na lalaki nang mapatay nito ang sariling ama na paulit-ulit nitong tinaga sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Barangay San Salvador sa Echague, Isabela, nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Renato Calungay, 50, tubong Bgy. Busilelao, Echague, na napatay umano ng sarili nitong anak na si Everdave Calungay.

Sa nakarating na report kahapon mula sa Police Regional Office (PRO)-1, dakong 10:30 ng umaga nitong Miyerkules nang mangyari ang insidente sa Sitio Matartaran­g sa Bgy. San Salvador, Echague.

Nasa kainitan umano ng pagtatalo ang mag-ama nang bumunot ng itak ang nakakabata­ng Calungay at pinagtatag­a umano ang ama.

Kaagad namang binawian ng buhay ang biktima dahil sa dami ng tinamong taga sa katawan.

Naaresto at pansamanta­lang ipiniit sa himpilan ng pulisya ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines