Balita

1,495 pulis ipakakalat sa Ati-Atihan

- Jun N Aguirre

KALIBO, Aklan - Umabot sa 1,495 pulis ang ipinakalat ng Police Regional Office (PRO)-6 para maisakatup­aran ang zero major crime incident sa Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan.

Ayon kay PRO-6 director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, bantaysara­do ng kanyang mga tauhan ang kapistahan laban sa mga krimen, ilegal na droga, at maging banta ng terorismo.

Sa isinagawan­g Major Event Security Framework Plan ng Philippine National Police (PNP), tanging ang official drone lamang ng pulisiya ang papayagang lumipad sa festivity area ng Ati-Atihan.

Ayon kay Binag, nagpadala na ng sulat ang National Telecommun­cations Commission (NTC) kaugnay ng gagawing signal jamming sa Linggo, Enero 21, sa lugar na pagdarausa­n ng prusisyon at misa.

Katuwang din ng pulisya sa pagbabanta­y sa Ati-Atihan ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines