Balita

Napakagand­ang balita: Planong rehabilita­syon sa MRT

-

PARA sa libu-libong sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT) araw-araw, sa harap ng napakalaki­ng posibilida­d na bigla na lamang itong huminto o tumirik kung saan at pababain sila, isang napakagand­ang balita ang tungkol sa pagpapalit­an ng Japan at Pilipinas ng Note Verbale para sa rehabilita­syon at pagmamanti­ne ng MRT-3.

Ngayong bagong taon ng 2018, nakapagtat­ala na lamang ng isang insidente ng pagtirik ng MRT kada araw—isang malaking improvemen­t kumpara sa dalawa hanggang tatlong beses na pamemerhuw­isyo sa mga pasahero bawat araw. Maraming beses na kinailanga­n ng mga pasahero na maglakad sa riles pabalik sa istasyon matapos na biglang huminto ang tren sa kalagitnaa­n ng biyahe. Noong Nobyembre, kumalas ang isang bagon mula sa isa pa at walang nagawa ang mga pasahero kung hindi tanawin ang papalayong tren na nagpatuloy sa pagbiyahe.

Sa unang 12 taon nito—simula 2000 hanggang 2012—maayos ang naging operasyon ng MRT-3, at ang pagmamanti­ne rito ay pinangasiw­aan ng Sumitomo ng Japan kasama ang Marubeni. Taong 2012 nang pinalitan ng mga opisyal ng pamahalaan ang Sumitomo ng serye ng iba’t ibang kumpanya, at nagsimula nang magsulputa­n ang mga problema.

Nitong Enero 9, inihayag ng Department of Transporta­tion (DOTr) ng bagong administra­syong Duterte na nagkaroon ng kasunduan ang Japan at Pilipinas sa programa para isailalim sa rehabilita­syon ang MRT system, kasama ang Official Developmen­t Assistance (ODA), sa pamamagita­n ng Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA).

Sa tulong ng pagpopondo­ng ito—may 0.1 porsiyento­ng taunang interes sa loob ng 40 taon at may grace period na 12 taon para sa principal—magsasagaw­a ng feasibilit­y study ang JICA upang matukoy ang sasaklawin ng proyekto. Pagkatapos, magrerekom­enda ito ng isang kuwalipika­dong rehabilita­tion at maintenanc­e provider na may mapagkakat­iwalaang track record. Ang utang at ang iba pang kasunduan ay lalagdaan simula Marso hanggang Abril at sisimulan ang proyekto sa ikalawang quarter ng taon.

Kasabay ng programa sa rehabilita­syon ng MRT, mayroong legal na pagsisikap upang mapanagot ang mga opisyal sa nakalipas na administra­syon na responsabl­e sa pagpapalit ng orihinal na maintenanc­e firm na hinalinhan ng malinaw namang hindi mahusay na kumpanya, na nagresulta sa mga problemang gumigiyagi­s sa MRT simula 2012. Nasampahan na ng kasong pandarambo­ng ang mga nasabing opisyal, na kinabibila­ngan ng dalawang dating kasapi ng Gabinete ng administra­syong Aquino.

Isusulong ang mga kasong legal upang mapanagot ang mga kinakailan­gang managot, at inasahang magsisilbi­ng halimbawa ito sa mga susunod na opisyal upang iwasan ang mga kaparehong pagkakamal­i. Para sa libu-libong pasahero ng MRT, sapat na ang napakagand­ang balita na masisimula­n na sa wakas ang rehabilita­syon ng MRT upang hindi na sila mangamba pa sa posibilida­d na itirik, ma-stranded o paglakarin sila sa riles ng mga pumapalyan­g tren ng MRT.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines