Balita

Pagdila sa Apoy

-

Ika-43 labas

NARINIG uli ni Pedring ang boses ng kanyang ama: “Nabasa ka yata kagabi, e. Anong oras ka ba umuwi?”

Ngek! Akala niya, nakatakas siya. Nalaman din pala ng tatang niya na umalis siya.

“Hindi naman po ako nabasa. Maaga po naman ako umuwi.”

“Siya, sige. Pabili ka nalang ng kortal kay Utoy…”

Matindi pa rin ang kaba ni Pedring. Tiyak, mamaya lang, may mga umpukan ng mga nakakatand­a sa gilid ng kalsada. (Dalawa lang ang may pamasadang dyip sa Mauwak at ang karaniwang dumaraan sa kalsada ay kareta, kariton at mga kalabaw na may angkas na tao.)

Sa naturang mga umpukan, napapag-usapan ang lahat ng paksa ng usapan. Ekonomiya, pulitika, edukadyon at pati ng mga tsismis. Paano kung naroon na sa umpukan ang ama ni Lagring at ang hatid na paksa ay ang kung sinong saragateng nanilong sa anak nitong si Lagring? At paano kung alam na palang siya dahil nakilala siya ni Lagring!

Ang mas inangkupon­g diyoskupon­g talagang-talaga po ay kung rekta siyang kausapin at dalhin siya sa barangay.

Aaa, patitigasa­n niyang hindi siya iyon. Susumpa siya na kahit mamatay at magsakit lahat ng bampira at halimaw sa kanilang lugar, hindi talaga siya ‘yon.

“Hindi ko po talaga gagawin ‘yon. Peks man po.” Ngek! Natakpan niya ang sariling bibig. Narinig kaya ni Inang Marya? Sana naman po, hindi. Hindi naman malakas, di ba?

Sana’y totohanan na siyang may sipon. Kung pwede nga’y lagnatin na siya. Mamaya, sina aling Marya at mang Maryo ay pupunta sa bukid. Hindi na siya mananaog ngayon. Paano kung bistado na siya?

Hindi na rin siya babangon pag tinawag siya ng almusal.

Sasabihin niya, nilalagnat po yata ako. E, ugali ng ama niya o ina niya, dadamahin ang kanyang noo. Sasabihin niya, hindi naman po mainit ang pakiramdam ko. Nasa loob po siguro lagnat ko. Masakit po ang ulo ko pati po mga tuhod ko, balikat ko…buong katawan po yata. May gasgas nga po ang tuhod ko.

Ugok ka pala, Pedring. Paanong hindi sasakit ang buong katawan mo at may gasgas ang tuhod at braso mo ay nagkabangg­a-bangga ka sa mga tukod ng silong nina Lagring?

“Pedring, anak…aalis na kami ni Inang mo. Bahala na kayo ni Utoy. Mag-almusal na kayo. May halabos na mga bundasi at nilagang talong d’yan.”

Medyo nakahinga ng maluwag si Pedring. Solve ang problema.

Anong solve? Ang tungkol lang sa sipon o lagnat mo ang naresolba. Hindi ka nabistong mga parents mo. Nariyan pa rin ang problema mo kay Lagring.

Saka niya narinig ang boses ni Utoy. Nasa tabi nap ala niya ito. “Heto na ‘yonh cortal, Kuya.” “Saan mo nabili ‘yan?” “Sa tindahan ni Aling Nancy.” Gusto niyang itanong: Ano’ng pinag-uusapan? Baka…baka tungkol sa nangyari kina…kina…

“Alam mo, Kuya…may nangyari pala d’yan kina Lagring. May nanilong daw. Kalakasan dawn g ulan.”

“A-ano?” Talagang nagulat siya. “E, sino raw ang g-gaong…”

Hindi po talaga ako. Kahit po ibitin ako ng patuwad!

“Hindi raw naman kilala,” sabi ni Utoy. “Galit na galit daw ang itay ng kaibigan mo.”

“Ay, salamat at di naman pala kilala.”

“Hagad dawn g gulok, e. Kung inabutan daw ang ulanghiya, tagpas ang ulo ng kung sinong ‘yon!” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines