Balita

Blue Eaglets, dinagit ang ika-9 na panalo

-

PINALAWIG ng Ateneo de Manila ang dominasyon nang gapiin ang Adamson University, 64-47, nitong Miyerkules sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Dahil sa panalo – ikasiyam na sunod ng Blue Eaglets -- nakakatiya­k na ang Katipunan-based cagers ng playoff para sa huling semifinals berth.

Malaki rin ang tsansa ng Blue Eaglets na magkamit ng outright slot para sa best-of-three championsh­ip.

Nagtala sina Dave Ildefonso at Jason Credo ng pinagsaman­g 23 puntos habang nag -ambag naman si Joaqui Manuel ng double-double outing na 10 puntos at 11 rebounds para sa Ateneo.Tumapos naman si Kai Sotto, na may 12 rebounds at 5 blocks .

Sa iba pang mga laro, naging matatag ang National University sa second spot matapos umangat sa 7-2 record kasunod ng 85-67 panalo nila kontra De La Salle-Zobel.

Pinataob naman ng defending champion Far Eastern University­Diliman ang University of the East, 91-63 upang makatabla sa University of Santo Tomas sa ikatlong puwesto hawak ang barahang 5-4.

Lumabo ang tsansa ng Tiger Cubs para sa target na twice-tobeat incentive sa semis makaraang dumanas ng di -inaasahang 87-91 kabiguan sa seventh-ranked UP Integrated School.

Bunga ng tagumpay, umangat ang Junior Maroons sa 2-7 kartada. Nalaglag naman ang Baby Falcons sa 4-5 habang sumadsad ang Junior Archers sa 3-6. Marivic Awitan

Iskor: Ateneo (64) - Ildefonso 12, Credo 11, Manuel 10, Sotto 9, Belangel 7, Chiu 5, Escalona 4, Jaymalin 3, Lopa 2, David 1, Santos 0, Tanedo 0, Diaz 0, Gusi 0.

Adamson (47) - Ad. Doria 12, Baculio 11, Manlapaz 5, Perez 4, An. Doria 3, Canoy 3, Engbino 3, Hanapi 3, Prodigo 2, Sabandal 1, P. Santos 0, Sevilla 0, O. Padilla 0, R. Santos 0, A. Padilla 0.

Quartersco­res: 20-11; 32-20; 48-31; 64-47.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines