Balita

Altas coach na si Frankie

-

BALIK sa pagiging coach si Frankie Lim sa kampo ng University of Perpetual Help System Dalta para sa susunod na NCAA basketball season.

Mismong si UPHS owner Antonio Tamayo ang nagpahayag sa bagong appointmen­t ni Lim bilang kapalit ni coach Nosa Omorogbe na nagdesisyo­n na magbalik sa Nigeria bunsod ng problema sa pamilya.

“He ( Omorogbe) returned home because of family problems,” pahayag ni Tamayo.

Bahagi na si Lim ng Las Pinasbased school’s basketball program bilang consultant, ngunit ang pagatras ni Omorogbe ang naging daan para magdesisyo­n ang pamunuan na ibigay sa kanya ang coaching job.

Ginabayan ni Lim ang San Beda sa tatlong NCAA title bago ito nagdesisyo­n na magbalik sa PBA kung saan naging coach din siya ng Purefoods TJ Hotdogs.

“It’s a process. But that’s the goal,” pahayag ni Lim, patungkol sa unang kampeonato para sa Altas.

Gagabayan na ni Lim ang Perpetual Help laban sa Che’Lu Bar and Grill sa pagsisimul­a ng PBA D-League Aspirants Cup sa Lunes sa Pasig City Sports Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines