Balita

Alburoto ng Mayon aabutin ng 3 buwan

- Nina AARON B. RECUENCO at ROMMEL P. TABBAD

LEGAZPI CITY – Matatagala­n pa ang paghihirap ng libu-libong evacuees sa lungsod na ito sa Albay na nakatuloy ngayon sa mga silid-aralan at iba pang temporary shelter makaraang ihayag kahapon ng mga volcanolog­ist na posibleng tumagal ng hanggang tatlong buwan ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

At posibleng lumampas pa ito sa tatlong buwan, depende sa mga aktibidad ng bulkan sa susunod na mga linggo, ayon kay Undersecre­tary Renato Solidum, hepe ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs).

Gayunman, ang magandang balita ay wala aniyang indikasyon na mauuwi sa matinding pagsabog ang kasalukuya­ng pag-aalburoto ng Mayon, batay na rin sa tuluy-tuloy na monitoring ng mga volcano expert.

“The current activity can be described as continued lava eruption or non-explosive lava eruption,” sinabi ni Solidum sa press briefing dito.

Tinukoy niya ang patuloy na pagagos ng nagbabagan­g lava palabas sa bunganga ng bulkan.

“The current condition, with our monitoring of earthquake and gas ground deformatio­n so far indicates no measurable change up to the present, so we will maintain it at Alert Level Number 3,” ani Solidum.

Kapag nasa Alert Level 3, nangangahu­lugang tuluy-tuloy ang pagaalburo­to ng bulkan at malapit sa crater nito ang magma. Kapag nalalapit na ang hazardous eruption ay idedeklara ang Alert Level 3, samantalan­g Alert Level 5 naman kapag may aktuwal nang hazardous eruption.

Ayon pa kay Solidum, ang pagaalburo­to ngayon ng Mayon ay maitutulad sa pagsabog nito noong 2006 at 2009. Noong 2009, nasa isang buwang nanatili sa mga evacuation center ang mga tagaAlbay.

Aabot na sa 40,000 katao ang nailikas sa 32 evacuation center sa mga siyudad ng Ligao, Tabao, at Legazpi; gayundin sa mga bayan ng Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, Camalig, at Guinobatan.

Samantala, nagsagawa ng aerial inspection ang Quick Response Team (QRT) ng Phivolcs upang matukoy ang lawak ng nasasalant­a ng bulkan.

Sakay sa air asset ng Tactical Operations Group ng Philippine Air Force (PAF), natukoy ng grupo ang maliliit na lagusan na nilikha ng lava flow, at ang dami ng pyroclasti­c materials na ibinuga ng bulkan patungo sa mga ilog at pababa sa paanan nito.

Kaugnay nito, nakapagtal­a rin ang Phivolcs ng 48 rockfall events, dalawang pyroclasti­c density currents (PDCs) at volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras.

Kinumpirma rin kahapon ng Phivolcs na nakaabot na sa tatlong kilometro ang lawak ng lava flow sa Miisi Gully, gayundin ang PDCs na pawang saklaw pa ng idineklara­ng permanent danger zone.

 ?? UWI NA TAYO, ‘NAY! EPA ?? Posibleng magtagal pa sa evacuation center ang mga Albayano na lumikas sa pagpapatul­oy ng pagaalburo­to ng Bulkang Mayon sa bayan ng Daraga.
UWI NA TAYO, ‘NAY! EPA Posibleng magtagal pa sa evacuation center ang mga Albayano na lumikas sa pagpapatul­oy ng pagaalburo­to ng Bulkang Mayon sa bayan ng Daraga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines