Balita

Xian, nagboses uli kay Paddington

-

TULUY-

TULOY ang pakikisaya at pakikigulo ni Xian Lim sa muli niyang pagpapahir­am ng kanyang sa isa sa most loved literary bears ng Britain na si Paddington.

Muling napasabak si Xian sa voice acting sa second big-screen outing ng marmalade-loving bear sa Philippine­s. Unang siyang naging voice talent noong 2015 nang siya rin ang magboses sa unang installmen­t ng pelikula.

Sa pangalawan­g installmen­t, si Paddington na nakatira na sa Brown family ay nagpalipat- lipat ng trabaho upang maibili ng perpektong regalo ang kanyang Aunt Lucy na magdiriwan­g ika- 100 kaarawan. Pero ninakaw lang ang kanyang regalo.

“I was very happy that they chose me again for Paddington 2. Siyempre it was a surprise for me, kasi I didn’t expect nga na magkakaroo­n ng second part,” kuwento ni Xian. “But I’m very grateful na ako ‘yung napili nila to play the part. It just made me so proud to be part of that project.”

Bagamat hindi na siya baguhan sa dubbing, sa pangalawan­g pagkakatao­n ay lalo siyang nagenjoy sa kanyang newly-discovered skill.

“Since it’s my first animation na di-nub, the experience was so much different, ‘yun nga, like what I said kanina it was a lot of fun kasi nga you got to play around, I got to play around with the emotions,” aniya.

Kung ipinakilal­a sa unang pelikula ang character ni Paddington, sa ikalawa ay mabubunyag naman ang crazy side niya.

“For me, I enjoyed Paddington 2 more kasi there’s more skits and more jokes than the first one kase parang dun nagpapakil­ala si Paddington sa mga tao but sa second part it’s more katatawana­n na talaga, pure comedy, and ‘yung comedy niya kase is very Filipino ‘yung pagpapataw­a niya. So, it’s a lot of fun talaga,” sabi ng aktor.

“I think yung pinakamahi­rap siguro is ‘yung conserving your voice kasi may mga parts na ‘sinisigaw, may mga part na tumatawa, kasi may mga ganu’n, eh, so parang dapat i-conserve para matapos ‘yung buong film ng buo ‘yung boses,” aniya pa.

Ngayong nakikilala na siya sa voice acting, umaasa si Xian na makakapagb­oses siya sa iba pang characters sa ibang bansa.

“Oo naman, doing projects abroad it’s a plus, it’s like having another feather on my cap parang ganon,” sabi ng binata.

Umaasa si Xian na masisiyaha­n din ang moviegoers sa pawfect, adventure-packed family movie tulad ng naranasan niya habang nagdadubbi­ng nito.

“All they have to do is sit back ang enjoy the film kase it’s really a good film. Tatawa lang sila,” pagtatapos niya.

Directed by Paul King at distribute­d by Captive Cinema, bida sa Paddington 2 sina Hugh Grant, Hugh Bonneville, Sally Hawkins at Xian Lim (boses ni Paddington para sa Philippine release), mapapanood na ito sa mga sinehan simula Enero 31.

 ??  ??
 ??  ?? Xian
Xian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines