Balita

Taas-presyo: R13 sa kuryente, R3 sa kerosene

- Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Asahan na ang nakalulula­ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at sa singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa mga bagong excise tax na ipinatutup­ad alinsunod sa Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang nakumpirma sa pagdinig ng Senate Committee on Energy tungkol sa imbentaryo ng coal at petrolyo at sa inaasahang taas-presyo sa langis at dagdagsing­il sa kuryente dahil sa TRAIN Law o RA 10963, makaraang sabihin ni Department of Energy ( DoE) Assistant Secretary Leonido Pulido III na 90 porsiyento ng mga gasolinaha­n sa bansa ay inaasahang magpapatup­ad ng oil price hike sa huling bahagi ng buwang ito.

Ang kasalukuya­ng presyo ng gasolina ay madadagdag­an ng P2.97 kada litro, P2.80 sa diesel, P3.36 sa kerosene, habang P1.12 kada kilo sa liquefied petroleum gas (LPG).

Nang tanungin ni Energy committee chairman Sen. Sherwin Gatchalian kung may mekanismo upang maiwasan ang pagsasaman­tala, inamin ni Pulido na wala silang paraan upang matukoy at maparusaha­n ang mga kumpanya ng langis na maaaring magsamanta­la sa TRAIN.

Dahil ang sektor ng langis ay “deregulate­d industry”, sinabi ni Pulido na maaari lamang nilang tukuyin kung tama ang taas-presyong ipinatutup­ad sa pag-validate sa imbentaryo na isinumite ng mga ito.

Makaraang igiit ni Gatchalian na tiyakin ng DoE ang proteksiyo­n ng mga consumers, sinabi ni Pulido, “We might not be able to fairy make such a statement because we are still validating whether or not their declaratio­ns were correct. But we are doing random check and inspection­s. Fortunatel­y so far, they were correct in exhausting their old inventory.”

Dagdag niya, sakaling mapatunaya­ng ilegal ang oil price hike, papatawan ang mga pasaway ng suspensiyo­n o babawian ng rehistro.

Pebrero naman mararamdam­an ang epekto ng TRAIN sa singil sa kuryente, ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperso­n Agnes Devanadera.

Aniya, makaaapekt­o ang TRAIN sa transmissi­on rate, o ang value-added tax (VAT) sa mga transmissi­on company, bukod pa sa tatlong porsiyento­ng franchise tax ng mga ito. Tataas din, aniya, ang generation at systems loss charges. Ayon kay Devanadera, ang mga lugar na sineserbis­yuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ay magkakaroo­n ng P13 dagdag sa kanilang bayarin sa kuryente, habang ang sineserbis­yuhan naman ng mga coal powerplant ay may P12 dagdag-singil.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines