Balita

Bakit isang taon ang martial law extension?

- Beth Camia

Bakit kinakailan­gan na isang taon ang muling pagpapalaw­ig sa martial law sa Mindanao? Ito ang tanong ni Associate Justice Samuel Martires kay Armed Forces Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero sa ikalawang araw ng oral arguments sa Korte Suprema.

Sagot ni Guerrero, batay sa kanilang pagaaral, sa loob ng nasabing panahon nila target na masupil ang problema ng rebelyon sa Mindanao na pinangungu­nahan ng mga grupong nakikisimp­atiya sa grupong Islamic State (ISIS) at New People’s Army. Aminado siyang ambisyoson­g target na ito pero gagawin nila ang kanilang makakaya.

Itinakda ng Korte Suprema ang pagsusumit­e ng memorandum ng magkabilan­g panig sa Enero 24, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines