Balita

58 bata patay sa measles outbreak

-

JAYAPURA (AP) – Nahihirapa­n ang mga awtoridad ng Indonesia na masugpo ang isang buwan nang outbreak ng measles sa silangan ng Papua province na ikinamatay na ng dose-dosenang bata.

Sinabi ni Stefanus Lange, doktor sa ospital ng gobyerno sa Asmat district ng Papua, nitong Martes na unang na-detect ang kaso noong Setyembre ngunit naging hadlang sa paggamot at pagbabakun­a ang liblib na mga lugar na mahirap marating at madalas na paglalakba­y ng mga residente.

Ayon kay Lange, 36 na biktima ang namatay sa Pulau Tiga sub-district at 22 sa Agats, ang pangunahin­g bayan at kabisera ng Asmat district.

Isang grupo ng mahigit 50 doktor at paramedics mula sa Indonesian military ang dumating sa probinsiya nitong Martes para tumulong sa paglaban sa sakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines