Balita

Road Board buwagin

- Leonel M. Abasola

Nais ni Senador Manny Pacquiao na buwagin na ang Road Board at ilipat ang mga gawain nito sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transporta­tion (DOTr).

Sa kanyang panukala, bababa ang koleksyon mula 80 porsiyento kita sa national road ay magiging 50% na lamang ito para maitaas ang pondo para sa probinsiya at lokal na mga kalsada.

Ayon kay Pacquiao panahon na para ilipat ang kapangyari­han at pamamahala ng motor vehicle user charge fund sa dalawang ahensiya upang matiyak na maihatid nang maayos ang serbisyo nararapat sa taumbayan.

Magiging mababa rin ang pasanin ng mga may-ari ng sasakyan sakaling maipasa ang Senate Bill No. 1620 na ikinakasa ni Pacquiao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines