Balita

Aabot sa R900k cash naholdap

- Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Nakatangay ng P900,000 cash ang apat na miyembro umano ng robbery/hold-up gang matapos nilang biktimahin ang area manager ng isang sanglaan sa Tarlac-Victoria Road sa Barangay Tariji, Tarlac City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Francisco Ganapin, Jr., 31, ng Bgy. Matindig, Pura, Tarlac.

Nakakulimb­at ang mga kawatan ng kabuuang P894,574 cash na idedeposit­o sana ng biktima sa bangko sa Bgy. San Nicolas, Tarlac City.

Hinarang umano ng apat na armado si Ganapin sa nasabing lugar at hinablot ang asul na plastic bag na kinalalagy­an ng pera, ang kanyang wallet na may P2,000 cash, at cell phone.

Hinataw din umano sa ulo ang biktima hanggang sa mawalan ng malay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines