Balita

2 drug suspects niratrat

- Liezle Basa Iñigo

Dalawang drug personalit­ies sa Laoag ang pinagbabar­il at napatay sa Bacarra Road sa Barangay 11, Laoag City, Ilocos Norte.

Kinilala ang dalawang drug suspect na sina Nathaniel Ruben Taylan II, 32, ng Bgy. 13, Laoag City, at tubong Bgy. Guerrero, Dingras, isang drug surrendere­r; at Joefrey Blanes, 45, ng Bgy. 12, Laoag City.

Dakong 4:00 ng hapon ng Miyerkules at nag-uusap ang mga suspek sa tapat ng bahay ni Taylan nang biglang sumulpot ang armado at pinagrarat­rat ang dalawa.

Narekober sa pinangyari­han ng krimen ang apat na deformed bullets at siyam na basyong bala ng .9mm caliber pistol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines