Balita

Ididispats­a at pababayara­n ang natirang bakuna kontra dengue na nasa ‘Pinas

- PNA

TINANGGAP ni Health Secretary Francisco Duque III ang plano ng Sanofi Pasteur na ibalik ang P1.4 bilyon na nagastos ng gobyerno sa pagbili ng mga hindi nagamit na bakuna laban sa dengue, ang Dengvaxia, na ginamit sa public immunizati­on program ng kagawaran.

“We will ask for a full refund eventually. But for the meantime, we want the immediate withdrawal of all ( Dengvaxia) vaccine vials stored in our cold chain facilities,” sabi ni Duque.

“Ang importante kasi mai- withdraw na nila lahat ng vials because they are also eating up our space. Hindi kami makatangga­p ng bagong bakuna sa cold chain facilities and RITM ( Research Institute for Tropical Medicine) and regional storage facilities,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi ni Duque na hinihiling din nila sa Sanofi na magbigay ng test kits na nilikha ng University of Pittsburgh, upang maisailali­m sa serotestin­g ang mga batang nakatangga­p ng bakuna, lalo na kung walang kasaysayan ng impeksiyon ang bata bago nabakunaha­n.

Samantala, inihayag ng Sanofi na ang kanilang desisyon na ibalik ang pondong nagastos sa mga hindi nagamit na bakuna “is not related to any safety or quality issue with Dengvaxia”.

“Rather Sanofi Pasteur hopes that this decision will allow us to be able to work more openly and constructi­vely with the DoH ( Department of Health) to address the negative tone towards the dengue vaccine in the Philippine­s today,” hayag ng pharmaceut­ical company, at sinabing nananatili­ng positibo ang pangkalaha­tang benepisyo ng Dengvaxia sa mga bansang mataas ang kaso ng dengue gaya ng Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines