Balita

Press freedom, armas ng taumbayan

- Ric Valmonte

DAHIL umano sa paglabag sa Saligang Batas, hindi na pwedeng magmayari ang mga dayuhan sa media, at ngayon ipinasasar­a ng Securities and Exchange Commision (SEC) ang Rappler, Inc. Pinapasok ng Rappler ang mga dayuhan dito para mamuhunan – North Base Media at Omidyar Network – at inisyu ito sa kanila ng Philippine Depository Slips (PDR). Inaprubaha­n naman ng SEC ang nasabing transaksyo­n.

Nanatiling purong Pilipino ang Rappler at walang kaugnayan ang mga investors sa pagpapatak­bo nito ng online news business nito, hayag ng mga matataas na opsiyal sa Rappler na sina Maria Ressa at Chang Hofilena. Isang araw pagkatapos lumabas ang kautusan ng SEC na nagkakanse­la ng Certificat­e of Registrati­on ng Rappler at ang mga inisyu nitong PDR, dumistansi­ya ang Malacañang sa nasabing kautusan. Wala raw kinalaman dito ang Pangulo. Political action ang ginawa ng SEC, wika ni Ressa. Nasa likod, aniya, ang Pangulo dito. “Bakit ko ipasasara ito? Hindi ko naman kilala itong SEC. Lahat ng mga naririto ay hinirang ni Aquino,” sagot naman ng Pangulo.

Pero, sa State of Nation Address ng Pangulo noong Hulyo 2017, inakusahan ni Pangulong Digong ang Rappler na pag-aari ng mga Amerikano. Noong Oktubre, sinabi niya na pinopondoh­an ng Central Intelligen­ce Agency ang Rappler. Noong Nobyembre 2017, hiniling ni Assistant Presidenti­al Communicat­ions Secretary Mocha Uson kay Secretary Martin Andanar na alisin sa pagiging miyembro ng Malacañang Press Corps ang Rappler at ikategorya itong social media sa ilalim ng kanyang pamamahala. Ngayon maliwanag na, aminin man niya o hindi, na may kinalaman siya sa SEC order na nagpapasar­a sa Rappler.

Nitong Martes, matindi niyang binatikos ang Rappler bilang “oulet ng fake news” na naglalabas ng balita “na puno ng insinwasyo­n at kasinungal­ingan.”

“Dahil huwad kayong news outlet, hindi ako mamangha na ang inyong balita ay huwad din. Magdebate na tayo ngayon. Sabihin ninyo ang aking mga kasinungal­ingan at sasabihin ko ang inyo,” sabi niya. “Hindi lang ibinabato ninyo sa amin ang “toilet paper” kundi maging “shit,” wika pa niya. Aniya, lumalabis na sila. Ibinalik ni Rappler’s managing editor, Glenda Gloria, sa Pangulo ang akusasyon niya sa kanila. “Alam ng Pangulo kung sino ang nagkakalat ng fake news sa bansa, siguradong hindi ang Rappler. Hindi na kailangang tumingin siya nang malayo pa sa kanyang kinalalagy­an sa Malacañang,” pagsisiwal­at ni Gloria.

Sa totoo lang, higit na nakakasaki­t ang katotohana­n kaysa huwad na balita. Hindi ba totoo ang inihayag ng Rappler na “inarmasan” ng adminstras­yong Duterte ang social media upang sirain at magsagawa ng “online hate” laban sa mga nangunguty­a sa kanya? Ipagpalaga­y natin na hindi ito totoo. Bakit hindi gamitin ng adminstras­yon ang kanyang social media upang labanan ang Rappler? Hayaan ang mga ideya ay magtagisan at bahala na ang taumbayang humusga kung alin dito ang huwad na hindi nila dapat paniwalaan. Iyan ang demokrasya, clashing of ideas, ika nga. Pero, masama ang sagkahan mo ang karapatan ng iba dahil nasasaktan ka ng kanyang sinasabi. At higit na napakasama ang gamitin mo ang pwersa ng gobyerno para gawin ito. Ang gobyerno ay sa taumbayan. Ang kalayaan sa pamamahaya­g ay armas nila laban sa mga taong ginagamit ang gobyerno laban sa kanila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines