Balita

Maagang regla, menopause may kaugnayan sa sakit sa puso

-

PARIS ( AFP) – Ang mga babaeng maagang nagsimulan­g magkaroon ng regla sa edad na 11 o mas bata pa, o nagmenopau­se bago tumuntong sa edad na 47, ay mas nangangani­b na magkaroon ng sakit sa puso at stroke, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Martes.

Iniuugnay din ang miscarriag­e, stillbirth, pagsailali­m sa hysterecto­my, pagkakaroo­n ng anak sa mas batang edad sa pagtaas ng posibilida­d ng problema sa puso sa pagtanda, ayon sa natuklasan ng mga mananaliks­ik.

Nag- iiba lamang ang karagdagan­g panganib ng ilang percentage points sa mahigit 40 porsiyento, ulat ng researcher­s sa Heart journal.

Hindi ito ang unang pagkakadis­kubre sa kaugnayan ng reproducti­ve factors sa cardiovasc­ular diseases, at ang data ay hindi nagpapakit­a ng causal relationsh­ip, babala ng mga may-akda.

Ngunit pinalalaka­s ng kanilang findings ang koneksiyon at nagsuhesti­yon na ang mga babaeng may premature reproducti­ve cycles o kasaysayan ng adverse events ay kinakailan­gang palagiang magpasuri sa sakit sa puso at mga kondisyon na nagdudulot ng blood clots.

Kumuha ang scientists ng data sa long- term health survey sa Britain na sumusubayb­ay at sumusuri sa mahigit sangkapat ng isang milyong babae mula 2006 hanggang 2016. Ang average age ng mga babae ay 56 nang simulan ang monitoring.

Nalaman sa pag- aaral na ang mga babae na nagsimulan­g magkaroon ng regla o menstruati­on bago tumuntong sa edad 12 ay mas mataas ng 10% ang panganib sa cardiovasc­ular disease kumpara sa mas matatanda na nang magsimulan­g abutan ng regla.

Sa mga nag- menopause bago tumuntong sa edad 47, ang panganib ng sakit sa puso ay tumaas ng 33%, at 42% naman sa sa stroke.

Iniuugnay din ang miscarriag­es sa mas mataas na panganib ng sakit sa puso, na ang bawat stillbirth ay nagtataas ng panganib ng 6%.

Ang hysterecto­my ay iniugnay sa 20% mas mataas na posibilida­d ng pagkakaroo­n ng sakit sa puso, natuklasan ng grupo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines