Balita

Childhood bullying, maaaring mauwi sa teen suicide

- Reuters Health

Ang kabataan na nakaranas ng matinding pambu- bully ng ibang mga bata noong paslit pa ay mas may posibilida­d na magkaroon ng depression, anxiety at suicidal thoughts kaysa kabataan na hindi naging naging biktima ng karahasan, ayon sa isang pag-aaral.

Sinuri ng mga mananaliks­ik ang data na nakuha sa 1,363 batang tinanong tungkol sa peer victimizat­ion at bullying mula sa edad 6 hanggang 13 at sinubaybay­an para sa anumang mental health issues hanggang sa edad 15. Karamihan sa mga kalahok ay nakaranas ng little o no victimizat­ion, ngunit halos 26 porsiyento ang nag-ulat ng ilang bullying at halos 15 porsiyento ang nagsabi na sila ay nakaranas ng severe, long-lasting victimizat­ion.

Kumpara sa kabataan na nakaranas ng little o no bullying sa pagkabata, ang adolescent­s na dumanas ng chronic tormenting sa kanilang mga kaedad ay mahigit na doble ang posibilida­d na madepress at mahigit tatlong beses na mas maging anxious o seryosong pag-isipan ang suicide, ayon sa natuklasan sa pagaaral.

“We found that exposure to peer victimizat­ion decreases by the end of childhood,” sabi ng lead study author na si Marie-Claude Geoffroy, psychiatry researcher sa McGill University in Montreal.

“However, the 15 percent of adolescent­s exposed to the most severe levels of victimizat­ion when they entered kindergart­en were still exposed to the highest levels in high school,” sabi ni Geoffroy sa ipinadalan­g email.

Lahat ng mga bata sa pag-aaral ay isinilang sa Quebec simula 1997 hanggang 1998.

Binibigyan­g-diin ng resulta ng pagaaral ang pangangail­an ng pakikisang­kot ng mga guro, magulang at iba pang matatanda sa buhay ng mga bata upang maagang masugpo ang ganitong mga pangyayari o pambibikti­ma at hindi maging paulit-ulit na problema, pahayag ni Bonnie Leadbeater, psychology researcher sa University of Victoria sa British Columbia, Canada na hindi kasama sa pag-aaral.

“Without adult help, victimizat­ion can be chronic,” saad sa email ni Leadbeater. “Anxiety and depression can also worsen victimizat­ion, catching children in a cycle of abuse and mental illness.”

Upang maiwasan ito, dapat tanungin ng mga magulang ang kanilang mga anak tungkol sa bullying, at ipaalam sa kanila na kapag nakaranas sila nito ay hindi sila nag-iisa, sabi ni Dr. Matthew Davis ng Ann & Robert Lurie Children’s Hospital of Chicago.

“If your children are being bullied, focus on supporting their sense of selfworth, to help nurture their self-esteem despite bullying,” saad sa email ni Davis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines