Balita

Traffic alert: 5 lanes na lang sa North Ave.

- Bella Gamotea

Lima na lang mula sa dating pitong lane sa North Avenue sa Quezon City ang magagamit ng mga motorista dahil sa konstruksi­yon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 7 project, na sisimulan ngayong weekend.

Ayon sa Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), nag- umpisa ngayong weekend ang paglimita sa limang lane sa magkabilan­g panig ng North Avenue dahil sasaklawin ng proyekto ang tig-isang linya sa bawat panig.

Sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia na may anim na phase ang MRT-7 project, at ang Phase 1 ay sisimulan ng 12:00 ng hating- gabi ngayong Sabado, Enero 20, sa North Avenue mula Veterans hanggang sa Agham Road.

Para sa mga dadaan sa North Avenue, maaaring kumaliwa sa Mindanao Avenue, kanan sa Road 8, kanan ng Visayas Avenue, kanan sa QMC, kanan sa Commonweal­th Avenue hanggang sa destinasyo­n; o mula sa Mindanao Avenue ay kumanan sa Congressio­nal Avenue, kanan sa Luzon Avenue diretso sa Commonweal­th Avenue.

Ang mga babagtas naman sa Quezon Avenue ay pinakakana­n sa QMC at kanan sa Commonweal­th, habang ang nasa East Avenue ay maaaring dumaan sa EDSA o sa V. Luna, kanan sa East Avenue hanggang QMC, at kanan sa Commonweal­th.

Asahan ang pagtindi pa ng trapiko simula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, habang nagpakalat na ang MMDA ng 20 traffic enforcer at 16 flagmen upang gabayan ang mga motorista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines