Balita

Cha-cha express train madidiskar­il –Drilon

- Nina MARIO B. CASAYURAN at LEONEL M. ABASOLA

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon kahapon na madidiskar­il ang tren ng Charter change (Cha-cha) ng House of Representa­tives bago pa man ito makakaalis sa istasyon.

Ito ang tinuran ni Drilon kasunod ng mga pananaw na wala nang makapipigi­l sa House Cha-cha express train na inilunsad ng congressme­n sa pamumuno ni Speaker Pantaleon Alvarez kahit walang kasamang mga senador.

Sinabi niya na makikita rin ng mamamayang Pilipino ang tunay na plano ng mga lider ng Kamara sa pagsusulon­g sa pagpapatib­ay sa federal form of government.

Kasama sa plano, ayon kay Drilon, ang suspensiyo­n ng mga halalan; pagpapalaw­ig sa termino ng mga miyembro ng Kongreso (binubuo ng Senado at Kamara); at pag-alis sa check and balance system sa pamamagita­n ng pagbura sa Senado.

Nanawagan si Alvarez sa publiko na huwag iboto ang mga senador na hindi susuporta sa federalism­o dahil kontra sila sa mga benepisyon­g matatamo sa ilalim ng bagong porma ng pamahalaan.

Nang tanungin sa argumenton­g ito ni Alvarez, sumagot si Drilon na: “The issue at this point is the brazen move of the House to impose and railroad Cha-cha without public debate and participat­ion. But having said that, the senators are willing to face the people on their stand on federalism.”

Nanindigan din Senador Bam Aquino na hindi magpapabra­so ang Senado sa Kamara, na planong magsagawa ng Constituen­t Assembly bilang paraan ng pag-amyenda sa 1987 Constituti­on kahit na hindi kasali ang mga senador.

“We will not be pressured by the Lower Chamber. The Senate believes that this is a critical reform that must go through the right process,” ani Aquino.

Iginiit ni Aquino na hindi bibigay ang Senado sa timetable ng Kamara dahil ang mahalagang hakbang gaya ng Charter change ay kailangang dumaan sa tamang proseso.

“Tungkulin namin na ang anumang prosesong pagdadaana­n ay para sa taumbayan at hindi lamang para sa mga politiko,” diin ni Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines