Balita

Parak utas, kagawad grabe sa pamamaril

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang pulisMayni­la habang malubhang nasugatan ang isang barangay kagawad nang pagbabaril­in sila sa ulo ng isa sa apat na lalaking magkakaang­kas sa dalawang motorsiklo, sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kapwa nagtamo ng tigisang tama ng bala sa ulo sina SPO1 Teodorico Arabe, Jr., 50, nakatalaga sa Manila District Traffic Enforcemen­t Unit (MDTEU) ng Manila Police District (MPD), at taga-Kalimbas Street, Sta. Cruz, na nasawi habang ginagamot sa ospital; at Gimillano Ajon, 50, kagawad ng Barangay 358, Zone 36 anyos, na kritikal sa pagamutan.

Kaagad namang nakatakas ang apat na hindi nakilalang suspek.

Sa imbestigas­yon ni SPO4 Milbert Balinggan, ng MPDCrimes Against Persons Investigat­ion Section ( CAPIS), nabatid na dakong 10:30 ng gabi at kapwa nasa panulukan ng Yuseco at Tomas Mapua Streets ang mga biktima nang dumating ang mga suspek at huminto sa kabilang bahagi ng kalsada.

Isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at nilapitan tsaka pinagbabar­il ang mga biktima.

Patuloy pang iniimbesti­gahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang motibo at nasa likod ng pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines