Balita

Hit-and-run: Estudyante pisak sa truck

- Jun Fabon

Nanawagan ang Traffic Sector 4 ng Quezon City District Traffic Enforcemen­t Unit (QCDTEU) sa sinumang nakasaksi sa pagsalpok ng truck sa isang tricycle na ikinasawi ng 13-anyos na Grade 7 student na si Alma Espino, na lumantad at makipagtul­ungan sa imbestigas­yon ng awtoridad upang mabigyang- katarungan ang bata.

Ayon kay PO3 Elmer Matibag, ganap na 4:00 ng umaga kahapon nang mangyari ang banggaan sa may Aurora Blvd., sa kanto ng Balete Drive sa Barangay Kaunlaran sa Cubao.

Binabaybay ng tricycle na sinasakyan ni Espino at kanyang mga kaklase ang Aurora Blvd. nang biglang mahagip ng hindi naplakahan­g truck ang kanilang tricycle.

Lumitaw sa imbestigas­yon na sa lakas ng pagkakasag­i ng truck sa tricycle ay tumilapon umano si Espino at nagulungan ng truck sa ulo.

Kaagad namang humarurot ang truck papatakas.

Nabatid na isinugod pa ng rescue team ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) si Espino sa East Avenue Medical Center ( EAMC), pero hindi na naisalba ang kanyang buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines