Balita

Digong dumistansi­ya sa awayang US-China

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tumanggi ang gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng anumang papel sa kasalukuya­ng maritime issue sa pagitan ng China at Amerika, kahit pa inaangkin ng bansa ang Scarboroug­h Shoal sa Zambales.

Iprinotest­a ng gobyernong Chinese ang pagpuwesto ng warship ng Amerika malapit sa Scarboroug­h Shoal, o Bajo de Masinloc, at nagbantang gagawin nito ang lahat upang protektaha­n ang soberanya nito.

Matagal nang inaangkin ng China ang Scarboroug­h mula sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na ayaw makisali ng Malacañang sa usapin sa pagitan ng dalawang pinakamaka­kapangyari­hang bansa, at naniniwala­ng kayang-kaya ng mga itong resolbahin ang sariling problema.

“We do not wish to be part of a USChina intramural. The United States can take care of its own interest,” sinabi ni Roque kahapon, kasabay ng paggiit na mananatili­ng bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarboroug­h Shoal.

“The Philippine­s’ claim over Scarboroug­h Shoal is recognized under our constituti­onal law and internatio­nal law,” ani Roque, tinukoy ang pasya ng Arbitral Court ng United Nations na pumabor sa Pilipinas laban sa China.

Sa panig naman ng Amerika, sinabi nitong ang paglilibot ng barkong pandigma nito sa Scarboroug­h ay bahagi ng “freedom of navigation” nito sa South China Sea.

Bukod sa Pilipinas at China, may kani-kanyang teritoryo ring inaangkin sa South China Sea ang Brunei, Indonesia, Malaysia, Taiwan, at Vietnam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines