Balita

8 arestado sa R200,000 shabu

- Bella Gamotea

Nalambat ng mga tauhan ng PDEA ang mga pangunahin­g target sa operasyon na si Melchie Ortega, 42, sa pagsalakay sa bahay nito sa Pagasa Avenue sa Barangay Katuparan.

Kasama ng ginang ang dalawa niyang maliliit na anak nang pasukin ng PDEA ang kanyang bahay at kumpiskahi­n ang 22 gramo, ng nagkakahal­aga ng P110,000, at drug parapherna­lia.

Todo- tanggi naman si Ortega na nagbebenta siya ng droga, at ikinatwira­ng ipinatago lang umano sa kanya ng hindi pinangalan­ang kaibigan ang mga nasabat na droga.

Hinala ng suspek, isinumbong lang siya ng kapitbahay na may galit sa kanya.

Samantala sa pagsalakay sa isa pang bahay sa Balimbing Street sa Bgy. North Signal Village ay nadakip sina Kim Joy Altobano, 35; Maximo Que Matias, 40; Albert Altobano, 48; Ronaldo Peñano, 53; Rey Costinar, 20; Jerald Tolop, 29; at Jonathan Baltazar, 32, matapos masamsam umano mula sa kanila ang 20 gramo ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­aga ng P100,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines