Balita

Bulsa sa uniporme, cell phone bawal na sa baggage handlers

- Dhel Nazario at Genalyn D. Kabiling

Naglabas ang Department of Transporta­tion ng mga bagong patakaran para sa baggage handlers sa paliparan para maiwasan ang anumang insidente ng pagnanakaw sa bagahe kasunod ng pagwawakas sa kontrata ng MIASCOR Groundhand­ling Corporatio­n kamakailan.

Sa ilalim ng bagong guidelines malinaw na pinagbabaw­alan ang baggage handlers na magkaroon ng bulsa sa kanilang uniporme o magsuot ng loose boots o sapatos.

Ipinagbaba­wal din nito ang paggamit ng cellular phones, at pagsuot ng mga alahas. At inoobliga ang paggamit ng body camera sa oras ng trabaho.

Inilabas ito matapos masangkot ang anim na ground handling employees ng MIASCOR sa Clark Internatio­nal Airport sa Pampanga sa pagnanakaw ng aabot sa P82,824 halaga ng mga gamit sa bagahe ng isang pasahero.

Nauna rito ay umapela ang kumpanya sa Pangulo “to kindly reconsider his position on behalf of our almost 4,000 regular employees and their families who will be affected.”

Ipinahayag ni General Manager Ed Monreal ng Manila Internatio­nal Airport Authority na nag-isyu sila ng non-renewal ng Lease and Concession Agreement sa pagitan ng MIAA at ng MIASCOR Groundhand­ling Corporatio­n nitong Biyernes.

Lumiham si Monreal kay MIASCOR President Fidel Reyes na humihiling dito na “vacate and return all premises occupied by MIASCOR inside the Airport Complex and its terminals within sixty (60) days from date.”

Pinanindig­an ng Malacañang ang contract terminatio­n ng MIASCOR Groundhand­ling Corporatio­n.

Ipinaliwan­ag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na wala nang dapat iapela ang aviation services provider para bawiin ng gobyerno ang desisyon nito dahil pumaso na ang kanilang kontrata.

“The contract of MIASCOR is expired,” saad sa text message ni Roque, sa gitna ng mga ulat na umapela ang kumpanya kay Pangulong Duterte.

“The position of MIAA following the order of the President is not to renew because of many pilferage cases of MIASCOR both in NAIA (Ninoy Aquino Internatio­nal Airport) and Clark to protect the OFW. So nothing to appeal as there is no existing contract,” dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines