Balita

Sanofi ‘di pa lusot –DoH

- Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ng Department of Health (DoH) na hindi pa ligtas ang French pharmaceut­ical firm na Sanofi Pasteur sa isyu ng Dengvaxia kahit pa isinauli na nito ang P1.161 bilyon na ibinayad ng pamahalaan para sa mga hindi nagamit na bakuna sa dengue.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pag-aaralan pa rin nila kung mayroong mga impormasyo­n na itinago ang Sanofi tungkol sa immunizati­on program ng nakalipas na administra­syon.

Nilinaw ng Sanofi na ang desisyon nilang ibalik ang mahigit P1B sa gobyerno ng Pilipinas ay walang kinalaman sa isyu ng kaligtasan o kalidad ng Dengvaxia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines