Balita

NoKor delegates dumating sa Seoul

-

SEOUL (AFP) – Dumating ang mga delegado ng North Korea sa Seoul kahapon para inspeksiyu­nin ang venues at maghanda para sa cultural performanc­es para sa Winter Olympics, sa unang pagbisita ng mga opisyal ng Pyongyang sa South sa loob ng apat na taon.

Ipinakita sa telebisyon ang grupo ng pitong opisyal sa pamumuno ni Hyon Song-Wol, ang lider ng sikat na Moranbong band ng North, na tumatawid sa heavily-fortified border sakay ng bus bago dumating sa Seoul train station makalipas ang isang oras.

Nangyari ang biyahe makalipas ang dalawang linggo nang magkasundo ang magkatabin­g bansa na magpapadal­a ang Pyongyang ng mga atleta at artistic troupes sa Winter Games, na magbubukas sa alpine resort ng Pyeongchan­g sa South sa Pebrero 9.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines