Balita

ID tracker sa bagong campus

- Orly L. Barcala

Pinangunah­an ni Mayor Rexlon T. Gatchalian ang pagpapasin­aya sa limang palapag na gusali ng Pamantasan Lungsod ng Valenzuela (PLV) na pinondohan ng P8 milyon ng city government.

Ito ang magiging main PLV na nakabase sa Barangay Maysan, habang ang orihinal na campus ay matatagpua­n sa tabi ng lumang city hall. Dito ililipat ang mga kurso sa Engineerin­g at Accountanc­y

Tampok sa bagong campus ang ID tracker system sa gate tulad ng “tap and go turnstiles” ng Light Rail Transit (LRT). Irerehistr­o sa database ang mobile phone number ng mga magulang o guardian ng mag-aaral na makatatang­gap ng impormasyo­n kung napakasok na o nakalabas na ng paaralan ang kanilang mga anak.

“Even the (PLV) Annex kakabitan na rin ng ganitong system. Lagot, wala na kayong takas… wala nang cutting,” ani Gatchalian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines