Balita

Ex-Army tiklo sa R50,000 shabu

- Alexandria Dennise San Juan

Arestado ang isang dating tauhan ng Philippine Army makaraang makuhanan umano siya ng mga pulis ng P50,000 halaga ng ilegal na droga sa buy- bust operation sa Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station (PS-6), ang nadakip na si Athoniette Gerobiese, 42, dating operatiba ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP).

Nauna rito, nakatangga­p ang pulisya ng ulat tungkol sa pagbebenta umano ni Gerobiese ng droga sa kanilang lugar sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Matapos ang surveillan­ce na nagberipik­a sa sumbong, ikinasa ng mga Drug Enforcemen­t Unit ng Quezon City Police District (QCPD) at PS-6, at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang buy-bust bandang 10:00 ng gabi sa Don Francisco Street sa Bgy. Old Balara.

Nakumpiska umano mula sa dating sundalo ang limang sachet ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­aga ng P50,000, at P500 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines