Balita

200 napababa sa isa pang MRTirik

- Mary Ann Santiago

Maagang nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit Line ( MRT)- 3 at dahil dito ay aabot sa 200 pasahero ang pinababa sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Department of Transporta­tion (DOTr), dakong 6:14 ng umaga nang magkaroon ng electrical failure ang motor ng isang tren ng MRT- 3 sa southbound ng North Avenue kaya napilitan silang pababain ang mga pasahero.

Wala namang nagawa ang mga pasahero kundi mag-abang sa susunod na tren, na dumating makalipas ang anim na minuto.

Hinatak pabalik sa depot ang nagkaabery­ang tren, habang muling humingi ng paumanhin ang DOTr sa mga naperhuwis­yong pasahero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines