Balita

Pitong wanted kalaboso

- Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Dinakip ang isang retiradong empleyado ng gobyerno at pitong iba kaugnay ng iba’t ibang kasong kriminal, sa magkakahiw­alay na lugar sa Pangasinan.

Batay sa report ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang mga dinakip na si Jonathan Bugaoan, 71, retired government employee at taga-Basista, na nahaharap sa graft.

Sunod namang nadakip si Carlos Garcia, 60, constructi­on worker, ng Barangay Bued, Calasiao, para sa kasong sexual assault.

Sa Bani naman inaresto si Marlon C. Quitazol Sr., 54, na wanted sa child abuse; estafa ang kaso ni Raquel Bartolome, 32, ng Bgy. San Marcelino, Balungao; habang inaresto sa qualified theft si Manny Madriaga, 39, sa Urdaneta City.

Huling naaresto sina Christophe­r Camalao, 34, akusado sa serious physical injuries; at Ernesto Calonge, 30, ng Bgy. Poblacion West, Rosario, La Union, na may kasong child abuse.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines