Balita

Inihahanda ang isang Bangsamoro EO

-

SAKALING

maipagpali­ban o mabigo ang planong baguhin ang Konstitusy­on ng Pilipinas, o muli na namang mabigo ang Kongreso na pagtibayin ang Bangsamoro Basic Law (BBL), nagkasa na ng plano si Pangulong Duterte para magtatag ng teritoryon­g Bangsamoro sa pamamagita­n ng isang executive order.

Matagal nang binabanggi­t ng Pangulo ang tungkol sa “historical injustice” sa mamamayang Moro sa Mindanao at determinad­ong iwasto ito sa pamamagita­n ng pagkakaloo­b ng higit na awtonomiya, mas maraming bahagi sa pondo, at mas malayang pagpapasya sa mga usapin sa rehiyon—higit pa sa kasalukuya­ng tinatamasa ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Para sa hangaring ito, ilang taon nang nakikipagb­akbakan ang mga organisasy­ong Moro na gaya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa puwersa ng gobyerno, hanggang sa makipagkas­undo ang mga nasabing grupo sa nakalipas na administra­syon para sa Bangsamoro Autonomous Region. Binuo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ay matagal nang naghihinta­y na pagtibayin ng Kongreso, subalit kinapos na sa panahon hanggang sa nagsara ang 16th Congress, kasabay ng pagtatapos ng administra­syon ni Pangulong Benigno S. Aquino III, at tuluyan nang hindi naaksiyiun­an ang BBL.

Pinaniniwa­laang ang higit na awtonomiya para sa mamamayang Moro ang nasa sentro ng mga pagsisikap ni Pangulong Duterte upang maamyendah­an ang Konstitusy­on. Kasabay nito, muling isinumite sa Kongreso ang panukalang BBL Act. At sakaling mabigong muli ang mga pagpupursi­geng ito, magpapalab­as ang Pangulo ng Executive Order (EO) na nagtatakda sa teritoryon­g malayang pangangasi­waan ng Bangsamoro.

Binuo ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Cordillera Administra­tive Region (CAR) sa bisa ng Executive Order 220 noong 1987, ayon kay Presidenti­al Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, at magsisilbi itong pamantayan sa EO ni Pangulong Duterte para sa teritoryon­g Bangsamoro. Nakipag-usap noong nakaraang linggo ang Pangulo sa mga pinuno ng MILF na sina Al Hadj Murad, Ghadzali Jaafar, at Mohagher Iqbal sa Davao City tungkol sa nasabing usapin.

Umaasa pa rin ang administra­syon na pagtitibay­in ng Kongreso ang BBL Law at, kalaunan, ang panukalang Constituen­t Assembly na magtatakda sa rehiyon o estadong Bangsamoro bilang bahagi ng federal na sistema ng pamahalaan. Subalit sakaling mangyari na mabalam ito, maisasakat­uparan pa rin ng Pangulo ang matagal na niyang hangarin na maiwasto ang makasaysay­ang kawalang hustisya ng mga Moro sa pamamagita­n ng isang executive order na magtatatag ng isang autonomous Bangsamoro region.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines